Chapter 1: Simula pa lang...

37 0 0
                                    

First time ko pong gumawa ng Story. sana po magustuhan niyo :)

first week of school. Hindi ko dama si Gabriel, masungit ako nun. Tuwing titingin siya sakin at titingin ako sa kanya, Lagi ko siyang Iniirapan,ganun din naman yung ginagawa ko sa mga boys dahil ang gusto kong maging impression nila sa'kin, isa akong Mataray.

Saturday, kakagaling lang namin ng bestfriend kong si Angelica (ange) sa "spark" isang Christian service. Nagpaprint kami sa computer shop kung san siya laging nagcocomputer. Hindi namin siya namukaan pero tinawag niya kami. "Oy Classmate! San kayo pumunta? gabi na a." Ako naman, Inirapan ko siya sabay sabi niya "Sungit mo talaga e noh?" sabi ko naman, "Ganun talaga". Tinanong niya kung anong Output yung pinapagawa ni Mr. Tan (filipino teacher) sa amin sabi ko naman, "Ah. Di ka kasi nakikinig. kasalanan mo yan". Sumabat ang kasama niya "Sino sa inyo ang girlfriend ni Gabs?" tinuro ko si Bestfriend'Angelica at Pinaniwalaan naman nila ako. "Hindi ko girlfriend yan!" sabi ni Gab. Habang nag-eexplain siya at nagpapatawa, Napatingin ako sa mata niya, nakakaakit talaga.Ni hindi ko na nga alam ang pinag-uusapan eh.Buti na lang, kinurot ako ni Ange sabay sabing "yan tuloy! akala tuloy nila ako ang girlfriend!". Nagpaalam na samin si Gab. Pagkaalis niya, inamin sakin ni Ange na nacucutan siya kay Gab,pero ang sabi ko "duh ! yun? cute? di ko dama teh !". Pagtapos namin magpaprint, umuwi na kami.

Monday na, kinalat ni Ange na ako ang may gusto kay Gab sa mga classmates namin, ako naman si Ms. Defensive, todo tanggi pero hindi maaalis sakin ang kiligin dahil nang malaman nga ni Gab iyon, tinititigan na niya lagi ako lalo na't pah English time, he's always creeping me out kasi nasa likod ko lang siya. Hindi ko magawang magalit sa espren ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga kaya.

Tanga lang sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon