Part 3: Di na maitatago

7 0 0
                                    

2nd week At dahil hindi ko napapansin na naaattract na ako sa kanya, naiilang na ko kapag malapit siya sakin. Tinanong ako ni Gab kung ano ang pangalan ng teacher namin sa Araling Panlipunan at kahit na alam ko kung sino, natataranta ako at nakalimutan kong sagutin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung time na yun pero parang kinakabahan na natutuwa ako. Nagtataka din ako kung bakit ako ganun kasi ang gusto ko sa isang lalake, Maputi, matangkad at singkit which are wala sa kanya yun. Badboy ang pagkakakilala ko sa kanya pero may soft side din siya na lalo akong naattract. Ewan ko ba. Hindi ko ma-imagine na ganun pala ako magkagusto, hindi ko maintidihan sakin kung ano ang nagustuhan ko sa kanya. Gusto ko lagi siyang makita, gusto ko lagi siyang nakakausap pero hindi yun ganun kadali. One time, nag-assign ng seating arrangement namin ang teacher namin sa A.P Tumabi siya sakin, at sobrang pagkataranta, para hindi mahalata, pinigilan ko siya sabay sabing "wag kang uupo dito. Gusto ko nang walang katabi" Mukha akong tanga na ewan na wirdo na magpapasalamat pa kong kainin ako ng lupa sa mga oras na yun. Napansin na niya ang wirdong nangyayari sakin, lumapit siya sakin at sinabing "nahahalata na kita" sabay ngiti. Sabi ko naman "Napaka-assuming mo naman. Para kang babae", bigla akong tumalikod dahil natatawa ako. Oo, natatawa ako nang walang dahilan sabay harap sa kanya at inirapan siya pero ang totoo niyan, naiilang talaga ako dahil ang puso ko, halos matanggal na sa dibdib ko at gusto ko nang lumabas. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tanga lang sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon