Panic II

161 17 4
                                    

Kinabukasan, pumunta si Juan sa bahay noong kakilala niyang si Hilda. Si Hilda ang tumutulong sa pamilya niya, dahil may karinderya ito. Lahat ng natitirang pagkain sa araw-araw ay inuuwi ni Juan para sa kanyang pamilya.

"Hilda, may gusto lang sana akong itanong. Ayos lang ba?" sabi ni Juan habang kinukuha ang mga natirang pagkain sa karinderya ni Hilda.

"Ano iyon, Juan?" tanong ni Hilda habang hinahanda pa ang ibang pagkain na ipapadala niya kay Juan.

"Bakit parang natatakot ang mga tao? May mga takip rin ang mukha nila. May problema ba ang Pilipinas?" tanong ni Juan pero mukhang alam na niya rin ang sagot.

"Oo. May virus kasi. Nasa balita na may nakapasok na raw na dayuhan na may virus mula sa China. Bakit naman kasi hindi agad sinarado ang Pilipinas noong wala pa. Ngayon sila kikilos kung kailan mayroon na," sagot ni Hilda

"Virus? Nakakamatay ba iyon?" tanong ni Juan

"Sabi sa balita, marami raw namatay sa bansang Italy dahil sa virus na iyon. Nakuha raw ng mga chinese sa pagkain ng paniki na  may sabaw," sagot ni Hilda pagkatapos ay binigay na kay Juan ang iba pang pagkain.

"May matino bang kakain ng sinabawan na paniki? Grabe naman sila. Walang puso. Sige Hilda, salamat sa impormasyon at sa pagkain na binigay mo sa amin," sabi ni Juan.

"Oo. Sige. Mag-iingat kayo ni Dina ha? Ingatan niyo rin ang mga bata." sabi ni Hilda pagkatapos ay ngumiti siya kay Juan.

Bumalik na si Juan sa kanilang pwesto sa kalsada at binigay niya na rin kay Dina ang mga tirang pagkain mula kay Hilda. Sinabi rin niya sa asawa ang balita tungkol sa virus.

"Ha? Kaya pala sila natatakot dahil may virus. Nakita ko rin kanina na napakaraming namili sa mall dyan malapit kung nasaan tayo. Nagsisigawan pa nga sila eh," sabi ni Dina

"Sa totoo lang, hindi naman ako natatakot sa virus na iyon. Sa rami ng dumi natin sa katawan, hindi na nila tayo papatayin dahil sa virus. Maniniwala pa ako kung ang kamatayan natin ay ang gutom kaysa sa virus," sagot naman ni Juan

"Ikaw talaga, kung anu-ano pa ang sinasabi mo eh nakakatakot na nga ang nangyayari sa paligid. Halika na nga at kumain na kayo ng mga bata," sagot naman ni Dina habang hinahanda ang kakainin nila.

Sa kabilang banda, namili na ang pamilya Nuevo at Samugui. Ang pamilya Nuevo, konti lang ang binili dahil hindi naman sila naniniwala sa virus. Ang pamilya Samugui naman ay nag-panic buying at sobra-sobra ang binili para raw sigurado ang kanilang pang araw-araw.

Panic (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon