Panic IV

118 16 4
                                    

Nagsisi si Nessa dahil sa desisyon niyang hindi pansinin ang virus. Wala naman kasi siyang ideya na makukuha nila ito at kung gaano kabilis kumalat ang virus.

"Sana pala ay nakinig ako sayo, Kennedy. Kung ginawa ko agad iyon, hindi na sana nangyari ang lahat ng ito," sabi ni Nessa sa asawa.

"Huwag mo nang sisihin pa ang sarili mo. Wala naman na tayong magagawa, nangyari na ang nangyari. Ang tanging magagawa na lang natin ngayon ay ang magdasal para sa kanila." sagot ni Kennedy

Nagsisi rin ang pamilya Samugui. Na-realize nila na sana'y hindi na sila nagpanic-buying at binigay na lang ng libre ang mga pinamili nilang sobra.

"Sino ba namang mag-aakala na dadapuan tayo ng sakit? Sobra ang binili natin, panay tayo alcohol at nag-ingat rin naman tayo kahit paano pero wala rin pala talaga tayong laban kung dapuan tayo nito." sabi ni Cecille

"Sana'y di na ako umuwi. Ako pala ang magdadala ng virus sa pamilya ko. Hindi ako nakinig sa sinabi ng gobyerno na manatili na lang sa Maynila at mag-self quarantine." sabi naman ni Clarice

"Huwag niyo na sisihin ang mga sarili niyo. Wala na tayong magagawa, tanggapin na lang natin ang katotohanan at ipasa-Diyos na ang lahat." sabi ng Papa nila na si Viktor.

Nanatili sa ospital ang pamilya Nuevo at Samugui. Si Viktor at Kennedy ay asymptomatic at ang lahat ay  symptomatic na. Pilit pa rin silang ginagamot ng mga doktor kahit na sinabi na wala pang lunas ang virus na ito.

May mga nakaka-recover naman sa sakit kahit na wala itong lunas. Sabi ng mga doktor eh kusa namang lalabanan ng mga katawan natin ang virus. Nasa katawan mo na nga lang kung kakayanin ba niya ang virus. May mga mild, severe at critical cases kasi sa buong Pilipinas.

Panic (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon