Sa kasamaang palad ay namatay si Nessa, Clarice, Cherry, Cecille at Kenneth dahil sa virus. Dala na rin ng iba't iba pang sakit kaya naging kumplikado na ang buhay nila.
Tanging si Viktor, Kennedy at Keren lang ang kumaya sa virus. Ilang linggo rin silang napunta sa ospital at ngayon ay nagpapagaling sa kanilang mga bahay.
Ang pamilya naman ni Juan ay maayos pa rin ang lagay. Tama nga yata ang sinabi ni Juan sa sinabi nito sa asawang si Dina, hindi na sila ginulo pa ng virus dahil malakas na ang immune system nila sa katawan.
Nalulungkot na lang sila sinapit ng mga tao. Ultimo ang mga doktor ay namamatay na rin at nahawa na sa virus. Wala na ring paninda ang mga pamilihan dahil panay ang panic-buying ng mga tao.
"Takot na takot sila mamatay Dina dahil siguro hindi nila nararanasan ang hirap na dinadanas natin araw-araw." sabi ni Juan sa asawa.
"Takot ang papatay sa mga tao at hindi ang virus na dala ng mga tao mula sa China." sagot naman ni Dina
"Gaano ka man mag-ingat, kung tatamaan ka ng virus ay tatamaan ka talaga. Marahil, sinasabi na ng Diyos na kailangan na magbago ng tao para sa ikakabuti ng Pilipinas." sagot ni Juan
"Nagbago nga ba ang mga Pilipino o mas lalong naging masamang tao? Hindi ko na alam. Nakakalungkot, imbes na magka-isa ang mga ito ay lalo pa silang nawasak. Nawasak ng mga sarili nila."
"Darating ang araw na magiging ayos rin ang Pilipinas at ang mundo. Hindi man natin alam kung kailan pero naniniwala akong titigil rin ang krisis na ito."
WAKAS
BINABASA MO ANG
Panic (Completed)
Short StoryTatlong pamilya, isang problema pero magkaiba ng solusyon. Ang hindi nila alam, pare-parehas naman sila ng destinasyon. Panic is based on what's happening now in the world. Covid-19 is all over the internet, stressed na ako sa mga nakikita ko kaya i...