Chapter 10

26 1 0
                                    

Nang umalis ako para sundan ang kapatid ko ay kaagad ko rin naman siyang nakita. Nakaupo siya sa isa sa mga bench sa harap ng mansion.

Huminga ako ng malalim nang maginhawa. Buti na lamang at hindi siya lumayo. Napakalawak ng daan papunta sa mansyon ni Don Sebastian. Kahit na nakapasok kami sa gate ay kinailangan parin naming sumakay sa golf car para makapunta sa mismong mansyon.

Talikod itong naka upo sa bence. Naka crus ang mga para para maskasya. Agad ko siyang nilapitan.

"Bunso..." Marahan kong tawag. Kaaagad siyang lumingon sa akin.

"Ate... sorry..." Dahan-dahan niya itong sinabi. Umupo ako sa tabi niya.

"Bakit ka ba umalis? Hindi maganda yun, Zarrioh." Yumakap siya sa akin. Hinayaan ko siyang isandal ang kaniyang ulo sa aking dibdib.

"Ang baba-baba kasi ng tingin nila sayo, Ate. Hindi ko kaya yun." Sumisinghot siya pero nagagawa niya namang sumagot ng diretcho.

Marahan kong hinagod ang buhok niya.

"Wala lang yun kay Ate. Totoo rin naman. Katulong lang ako dito." Kaagad siyang umiling at inangat ang ulo sa akin.

"Pero hindi ka po nila dapat na minamaliit. Hindi na alam ang mga pinagdaan mo." Ilang sandali akong napatitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwala. Ang batang katulad niya ay nakakapag isip na ng ganito.

Ngumiti ako. "Ayos lang ako. Hayaan mo na yun. Alam mo, kayang tiisin ni Ate lahat. Pagsalitaan ng hindi maganda, maliitin, alipustahin. Kakayanin kong tiisin lahat ng yun pero...kapag ikaw na ang usapan, lahat ng bagay handa akong isugal, huwag lang ikaw."

Ilang sandali niya akong tinitigan. Napa nguso at mas lalo akong niyakap. Mas lumapad ang ngiti ko.

Umangat ang tingin ko nang tumigil sa harap namin ang isang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong sasakyan ito ng Mayor.

Bumaba ang bintana ng backseat at ipinakita nito si Don Sebastian. Wearing his shades, hat and it seems like he's wearing again a formal suit.

Binaba niya ang shades niya. Kunot noo niya kaming tinignan.

"Anong ginagawa niyo dito sa labas, ija?" Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Mayor ang totoong nangyari. Baka lumaki pa.

"Magandang Hapon po, Don Sebastian!" Lumipat ang tingin nito sa kapatid ko at ngumiti ngunit bigla ring ibinalik ang pagkakakunot ng kaniyang noo.

"Umiyak ka ba, apo?" Sumulyap sa akin ang kapatid ko at kinagat ang kaniyang labi. Hindi niya rin malaman ang isasagot.

"A-Ah, hindi po Don Sebastian. Naglalaro lang po kasi siya t-tapos bigla po siyang natalisod. Kaya ito po at pinapakalma ko." Ilang sandali ako nitong tinitigan tila inaalam kung totoo ba ang sinasabi ko. Mas lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa labi ko.

Magsasalita na sana ang Mayor ng may tumawag sa akin.

"Calista!" Si Asher na nagmamadaling lumapit sa amin.

"Asher? Dumating kana pala? Bakit hindi mo ako binabati?" Mas lalong kumunot ang noo ni Don Sebastian. Tila dismayado at hindi gusto ang hindi pagbati o pagsasabi ng pag uwi ng kaniyang apo.

"Lolo...Isu-surprise sana kita. Dont be mad at me and noong dumating po ako rito ay wala ka..." Kamot ulong sagot ni Asher. Lumabas ang Mayor mula sa kotche niya.

"At kasalanan ko pa, aber?" Nakapameywang na tanong ni Mayor. Bumungisngis ang kapatid ko na kaagad ko namang sinaway. Natawa tuloy si Don Sebastian dahil sa kapatid ko. Sinenyasan niya itong lumapit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worth To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon