iii. Pumapangatlo.

48 6 2
                                    


play; TAHOL by Yugen Sundae (Draft) on SoundCloud 

(https://soundcloud.com/user-628570378/y-gen-sundae-tahol-raw)


Tanghali na. Hindi pa rin siya gumagalaw sa pagkakahiga. Ilang oras na rin siya nakatulala sa kisame. Ramdam niya ang bigat ng katawan niya pagkagising. Tapat na tapat sa kanya ang araw mula sa malaking bintana pero hindi man lang siya nasinag. Nilalamon siya ng malambot na kama. Ilang oras lang ba siya nakatulog? Bakit pakiramdam niya ay pumikit lang siya?

Mahimbig pa rin sa pagkakatulog si Mia. Humihilik pa nga. Panigurado sasakit ang ulo nito pagkagising.

Ayaw man ng katawan niya bumangon pero kailangan niya magluto. Lantay pa katawan at muntikan pa siya matumba pagkatayo na pagkatayo. Binuksan niya ang refrigerator, halos langawin ang loob. Sinalubong siya ng mga walang laman na lagayan ng tubig. Pinagpasalamat niya ang natitirang tatlong pirasong manok. Ginawa niya itong adobo, ang pinaka simpleng putahin. Walang laman ang unit ni Mia. Isang kahon na may TV, refrigerator, at tanging malaking kama. Noon pa man mag-isa nang nakatira sapagkat nasa ibang bansa ang pamilya nito para magtrabaho. Nag-iisang anak kaya siya ang pinagkakaabalahan ng mga magulang. Pero ito siya. Nag-iisa. Sa susunod, yayayain niya mamamalengke si Mia para kahit papaano may totoong pagkain naman itong kakainin at hindi processed foods. Baka magkasakit pa siya sa puso.

Nagising si Mia sa amoy ng pagkain. Halos mangiyak-ngiyak ito sa sakit ng ulo. Tinimplahan naman niya ito ng mainit na kape para mahismasan.

"Wow, nagluto siya." nanood sila ng movie habang kumakain. Kahit anong ganda ng pelikula hindi makafocus si Aurora sa pinapanood. Tulala. Nililipad ang isip. May kinukwento si Mia at puro tango lang ang tugon nito sa kanya. Naiintindihan ng kaibigan na wala ito sa tamang wisyo. At sa totoo lang, she can't understand a word from Mia. Walang pumapasok sa utak niya. Guilty si Aurora. She knows that Mia is doing this for her, trying to distract her. She's thankful, pero hindi na rin niya alam. Para siyang mababaliw.

"Alis tayo maya." yaya ni Mia habang nagliligpit nang pinagkainan nila.

"Saan?" sagot niya habang naghahanap nang bagong panonoorin. Ano bang maganda? Rom-com? Para happy. Kahit saglit.

"Sa bar, maya."

"G." tamang-tama. Gusto niya rin magpakalunod, "Ano oras?"

"Mga alas nuwebe," ala-sais na. May damit ba siyang dala? Kahit papaano, gusto niya maging presentable. Magkukunwari. Defense mechanism, be pretty outside when you feel ugly within. Binuksan niya ang maleta, halos pambahay ang nakaimpake. Hindi pala kumpleto lahat. Buti na lang nandoon ang paborito niyang sando at pants. Ayos na 'yan. Make-up na lang.

Maraming tao. Maingay. Nakasunod lang siya sa likod ni Mia. Halatang sanay at laging pumaparito ang kaibigan dahil maraming bumabati, kahit mga bouncer kilala siya. Siksikan sa loob. Halos puro usok. Madilim at tanging umiikot lang ay ang iba't ibang kulay na ilaw. Napangiti si Aurora.

She'll be lost tonight. She will forget everything tonight. Magpapakalunod siya hanggang sa wala siyang maalala.

"Best friend ko, si Aurora!" pasigaw na sabi ni Mia dahil sa music. Isang grupo nang hindi nila kilala ang nasa isang lamesa. Aurora smiled, waved, and even shake hands. May mga sumasayaw, lasing. May mga nagaabot sa kanya ng basok ng alak. Sino ba naman siya para tumanggi? Tinanggap niya ang lahat ng baso na mahawakan ng kamay niya.

"I know you!" isang babae ang nakaturo sa kanya. Mahabang blonde hair, kapansin pansin ang pananamit niya. "Mata Ipalaya, right? I'm a fan!" dagdag nito. Aurora was fluttered. She really feels butterflies kapag nakilala siya sa sining niya. Simple things like that.

"Hi! Thank you." sagot niya, nahihiya pa. Sa gitna ng maingay na lugar, mabulong na nagkukwento ang babae sa kanya. Tungkol sa buhay nito, sa mga magulang niya na hindi suportado sa kanya. Isa pa rin itong art student. Mas matanda nga lang sa kanya kaya mas lalo siyang nahiya.

"They want me to take medicine! Do I look like a med student?" itinaas pa ito ang damit nitong MisFits ang design at ang mga bracelet nitong mga krus-krus. Natawa siya. Nagkwento rin siya tungkol sa mga hinanaing niya. Nadala rin ng kalasingan, "hashtag art student problem. Kaya na'tin 'to!" Itinaas ni Joy, pangalan ng babae, ang isang pitsel ng gin. Inabot naman ni Aurora ang kanyang baso. Nilagyan naman ito ni Joy.

"Kakayanin!"

The night was wild and fun for Aurora. Sumayaw siya na tila wala nang bukas. She tried to forget, she did. For a night.

Nagpaikot ang mga kasama ng bote sa gitna ng lamesa. Tumutok kay Aurora ang dulo. Naghiyawan ang lahat habang wala siyang kaalam alam sa nangyayari. Masiyado malakas ang music!

"Ano nangyayari?" taka niya, nakangiti pa. Nanlalabo na rin ang paningin niya. She's drunk! And she's never been drunk like this in her whole life.

"Five seconds! Walang malisya!" they were yelling that. Ay, shet. Ito ba 'yung may hahalikan siya ng five seconds? Ang thrilling naman.

And there she is, kissing someone. Nagbibilang ang mga kasama habang siya wala nang makita dahil sa kalasingan.

"Hoy! Five seconds na!"

Fuck. Shit.

I'm drunk.

Five seconds lang and it turned to more than a minute. Naghihiyawan naman ang mga kasama. Naririnig niya pa ang pagmura ni Mia.

"Hayop ka, El. Kaibigan ko 'yan!" blurry but she can see a long silver hair ng babae na nakapatong sa binti niya. Ah. Teka. Bakit nakapatong sa binti niya?

"That was nice." rinig niyang sabi nito.

Aurora life was like that for couple of weeks. Inom d'yan. Inom dito. Kiss there, kiss everyone. No exemptions. She used it to distract herself from overthinking. Ni hindi niya na binubuksan ang phone niya. Araw-araw lasing. Just like her friend marami na rin siyang nakilala from that bar.

She used to make fun of Mia dahil lagi itong lasing at kung saan saan pumupunta. She remembered the time na nagalit din ang nanay niya dahil lasing itong umuwi at sinisi lahat kay Mia. Hindi alam ng kaibigan na ilang buwan rin siyang nakipagaway dahil dito. It was all her decision. She tried to explained herself. And she's a teenager, it was normal to go home wasted and drunk. Marunong na siya magisip para sa sarili niya. Pero anong tingin nila sa kanya? Hindi niya kaya mag-isa. Bawat galaw niya ay magkakamali. A failure. After all of these achievements, she;s still a failure to her family's eye. To her mother's.

And now, she is. Because of them.

Takip Silip [PREVIEW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon