(NONG HAPON NAKA UPO SI EUNICE SA GILID NG ABANDUNADO NA TULAY KASI MAGANDA ANG TANAWIN AT MAHANGIN, DITO DIN SYA PUMUPUNTA PAG MAY PROBLEMA )
EUNICE: Wow, Ang hangin naman dito hmm....sa amin ang ingay, ingay ng mga sasakyan na dumadaan.
(NAPAKAGANDA NAMAN TALAGA KASI MAKIKITA MO ANG PAGLUBOG NG ARAW AT MABIBINGI KA SA KATAHIMIKAN. ISA ITONG TULAY NA DI NA GINAGAMIT KASI MARAMI NANG NADIDISGRASYA KASI DITO AT MARAMING NAMAMATAY KAYA NAISIPAN NG MAYOR NILA NA WAG NA DAANAN AT GAGAWA NALANG NG BAGONG TULAY)
EUNICE: May umiiyak ah..baka multo(Sabi nya sa sarili) (Pero pinuntahan parin nya kung san galing ang iyak at don nya nalaman na isa palang bata na kaidad nya rin nakaupo sa ilalim ng tulay at umiiyak).
EUNICE: Oi... BATA!! BATA!! Ano ginagawa mo dyan?
BATA: (UMIIYAK) Umalis ka dito iwanan mo na ako!!
EUNICE: Ayoko nga!! Di naman sayo itong tulay ehh!!
BATA: Oi Bata bat ka umiiyak may problema kaba?
BATA:(PUMAHID NG LUHA) Bata ka nang Bata eh, Bata karin naman eh....
EUNICE:🙂(SMILE EMOJI) Sorry di ko Kasi alam pangalan mo eh...
BATA: Ako nga pala si Troy ikaw?
EUNICE: Ako nga pala si EUNICE ilang taon kana?
TROY: 9 years old ikaw?
EUNICE: Parihas pala tayo 9 years old din ako. Halika don tayo sa taas tingnan natin ang paglubog ng araw...
TROY: Ayoko dito lang ako...
EUNICE: Tara na...sege ka pag dikapa umalis jan mumultuhin ka dyan maraming multo Kaya dyan sa ilalim ng tulay.(Natakot si Troy Kaya Dali dali syang umakyat at sinamahan si Eunice na pagmasdan ang paglubog ng araw).
TROY: Wow....Ang ganda pala dito parang nawawala mga problema ko...
EUNICE: Kita mo nawala problema mo..Hmmp Troy ano ba ang problema mo?
TROY: Wala ..
EUNICE: Wala daw bat ka umiiyak don at tsaka bakit may mga pasa ka sa braso?
TROY: Wala to Eunice..
EUNICE: Sabihin mo na Troy makikinig ako share mo problema mo malay mo matulungan kita..(BIGLA NALANG UMIYAK SI TROY HABANG NAG KOKWENTO)
EUNICE:(TINAPIK SI TROY) sege lang iiyak mo yan troy para mawala..
TROY: Kasi si tatay pag sinusumpong sya sa sakit nya sinasaktan nya ako pinipigilan sya ni nanay pero pati si nanay sinasaktan nya din.Alam mo yong umiiyak nalang ako dahil nakikita mong nasasaktan yong nanay mo..(ANG TATAY NI TROY AY MAY SAKIT SA PAGIISIP NA PAG SINUSUMPONG AY NANGBUBUGBOG PERO MABAIT NAMAN ITO PAG NORMAL).
EUNICE: Troy, kaya mo yan wag kang sumuko gagaling din yang tatay mo..
TROY: OO..di ako sumusuko kasi alam kung kawawa si nanay pag susuko ako at Mahal ko rin si tatay mabait sya at maalaga pag di sya sinusumpong pag bumabalik sya sa normal humihingi nalang sya ng tawad sa amin sa mga nagawa nya.
EUNICE: Hayaan mo troy anjan si God ang gagabay at tutulong sayo, syempre andito din ako ang bago mong kaibigan..(UMIIYAK PARIN SI TROY KASI NGAYON LANG SYA NAGKAROON NANG KAIBIGAN NA TULAD NI EUNICE).
TROY: Salamat eunice ang bait mo..
EUNICE: Tama na yan..troy...
TROY: Umiiyak lang naman ako kasi naaawa ako kay tatay kasi ramdam ko sa kanyang puso na ayaw nya kaming saktan pero di nya magawang pigilan ang sarili nya, minsan nga umiiyak si tatay na mag Isa sa bahay Kasi nakikita nya kaming nahihirapan na..
EUNICE:...Troy tama na yan magdasal nalang tayo sasamahan Kita..
TROY: Salamat,salamat talaga..(PUMAHID NG LUHA AT TINIGNAN ANG PAGLUBOG NG ARAW)
EUNICE: Bukas troy punta ulit tayo dito ha..ganito paring oras..
TROY: Oo pupunta ako dito mag dadala ako ng pagkain..
EUNICE: Ako rin..Tara na Troy uwi na tayo magdidilim na eh..San kaba uuwi?
TROY: Dyan sa kabilang baryo, ikaw?
EUNICE: Don sa kabilang baryo din..sege na paalam na sa bago kung kaibigan🙂smile emoticon
TROY: Babye din ingat ka sa pag uwi uenice...