KABANATA V

106 8 1
                                    

*******************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*******************

Athena point of view

Ilang oras din kaming naglalakad sa loob ng kagubatan habang basang-basa dahil sa napakalakas na ulan kagabi.

"Athena may sugat ka." Sambit ni David at tinignan niya ang tuhod kong may sugat.

"Ayos lang ako." Sagot ko sa kanya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Sigurado ka?" Tanong niya na kinatango ko. Napansin na namin ang pag-asul ng langit na ilang oras na lang ay magliliwanag na.

"Kailangan na natin makatakas dito." Paliwanag ni Samuel.

Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa nakaramdam na ako ng pagod kaya naupo muna kami sandali. Pinagpatuloy namin muli ang paglalakad makaalis lang sa pesteng lugar na ito.

Habang naglalakad ay halos makahinga na kami ng maluwag ng biglang nakita namin ang kotse.

"That's my car!" Sigaw ni David kaya nagmadali kaming tumakbo papunta roon. Mabilis na tinignan ni David ang kotse niya habang kami ni Samuel ay nagbabantay. "Damn!" Sigaw niya habang sinusubukan paandarin ang makina ng kotse.

"What's the problem?" Tanong ni Samuel.

"Mukhang nasira ang makina." Sagot ni David kaya napakamot na lang ako sa sentido.

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ko sa kanilang dalawa. "Ayaw kong mamatay sa lugar na 'to!" Naiiyak kong sabi sa kanila. Mabilis na niyakap ako ni David para pagaanin ang loob ko.

"Wala tayong choice kung hindi ang umalis sa lugar na ito at ang daan para makaalis dito ay kailangan makapasok sa gubat Athena." Sagot ni Samuel.

"Tama siya Athena at para makaalis dito ay kailangan magkakasama walang hihiwalay kahit ano man ang mangyari." Pagsang-ayon ni David. May punto silang dalawa kaya wala na akong nagawa pa kung hindi sundin ang mga sinasabi nila. Pinasok namin muli ang impyernong kagubatan para lamang makaalis dito. Habang naglalakad ay bigla na lamang akong nakatapak ng isang bagay.

"Sandali." Sigaw ko sa kanilang dalawa at mabilis na dinampot ang cellphone. Nakunot ang noo ko ng makilala kung kanino ang cellphone na ito. "Phone ni Christian." Sagot ko sa kanila at mabilis na nagsilapitan silang dalawa at kinuha sa akin ang phone.

"Posibleng dumaan sila rito at nalaglag ito ni Christian." Sambit ni Samuel.

Sinubukan buksan ni David ang phone at mukhang gumagana pa naman kahit pa basag ito. Nagulat kami sa nasaksihan namin ng makita ang video kung saan kuha nila Roj at Christian.

Mukhang kagabi lamang nila ito kinuha dahil sa makikita mo ang malakas na pag-ulan. Napatakip na lamang ako sa bibig dahil nakita ko kung paano biglang nawala si Roj sa likod ni Christian.

The Secret Behind Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon