1 year later...
Sienna point of view
"1... 2... 3... action!" Sigaw ni Jared habang hawak ang camera na nakatutok sa akin.
"Isang taon na ang nakakalipas simula ng mawala ang grupo ng mga magkakaibigan sa loob ng isang gubat na tinatawag na demons forest. Wala'ng sino man ang nakakaalam kung paano at bakit sila pinatay. Sinubukan namin kuhanan ng pahayag ang pamilya ng mga nawalan ng minamahal pero tumanggi sila kaya nandito kaming tatlo para alamin ang kwento sa loob ng demons forest. Ako si Sienna Delos Santos, your documentary reporter."
"And, Cut! Nice Sienna, you did a great job." Puring sabi ni Harold. Mabilis naming niligpit ang mga gamit dahil bukas na muli kami magte-taping.
"Ihahatid na kita--"
"Huwag na Harold alam kong pagod ka kaya magpahinga na lang muna kayo." Tanggi ko at nginitian silang dalawa para sabihin ayos lang ako. Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay ng kotse para umuwi.
Mabuti na lang ay binigay sa amin ni miss ang topic tungkol sa documentary kaya nagka-idea ako na kunin ang kwentong ito. Ito rin ang nagtulak sa akin para hanapin pa ang sagot sa likod ng mga pangyayari. Isang documentaryo tungkol sa mga grupo ng magkakaibigan na namatay at ang iba naman ay nawala isang taon na ang nakakalipas.
Pagkauwi ko ay naabutan kong patay ang ilaw ng bahay kaya napabuntong hininga na lamang ako. Bagsak balikat na pumasok ako ng kwarto ko. Tinawag ako ni Yaya para maghapunan pero tumanggi ako at sinabi kong mamaya na lang.
Lagi na lang sila busy sa trabaho nila at minsan naman ay sa negosyo kaya naiiwan akong mag isa sa bahay. I miss my mom and dad. Pagkaakyat ko ng kwarto ay binuksan ko agad ang laptop para maghanap ng mga storya tungkol sa demons forest. Marami ang nagsasabi na dapat ay tinawag nilang Secrecy Forest dahil sa may mga nakatagong lihim sa loob nito.
May mga nabasa akong isang article na haka-haka ito pero gagawin ko ang lahat para mahanap ang totoo sa hindi.
Ng makakuha ako ng ibang article ay pinicturan ko at sinend kina Harold at Jared. Ng mapagod na ako ay naramdaman ko na lang na pumikit ang mga mata ko. I need to rest dahil bukas na kami maghahanda para sa documentary film.
Kinabukasan ay sinundo ako nila Jared at Harold sa bahay. Sinabayan na nila akong dalawa na mananghalian tutal naman ay wala akong kasama dahil nasa work sila mom at dad.
"Salamat yaya." Ngiti kong sabi habang patuloy naman sa pagtype si Jared sa laptop habang si Harold naman ay inaayos ang camera.
Niyaya ko muna silang dalawa na mananghalian bago kami bumyahe dahil malayo ang pupuntahan namin. Binigyan lang kami ng 3 weeks para matapos ang documentary film kaya todo pursigi kami makahanap ng sagot sa mga tanong.
Ng matapos na kaming mananghalian ay nagpaalam na ako yaya at sinabi kong 1 week akong mawawala sa bahay. I texted already dad and mom about this at pumayag naman sila kaya bumyahe na kami nila Jared at Harold.
"Sa tingin mo, buhay pa kaya ang anak ni Miss Eula na babae?" Tanong sa akin ni Harold habang nasa tabi ko na busy sa pagdadrive.
"Hindi ko rin alam. Maraming nagsasabi na baka nawala lang ito sa gubat pero marami rin ang nagsabi na matagal ng patay ito." Sagot ko na walang kasiguraduhan dahil iyon ang kumakalat na balita.
Mahigit ginabi na kami sa byahe kaya dumiretso muna kami ng mini stop para bumili ng mga pagkain. Naiwan na si Jared magbantay ng kotse habang dalawa kami ni Harold ang bumili. Nag-ikot na rin ako para makabili ng saktong pagkain.
"Wait, ako na ang magbabayad." Pigil ni Harold sa akin. Tumango naman ako at nagpasalamat.
Ng mabili na namin ang mga kailangan ay bumyahe ulit kami. Huminto kami sa isang apartment para roon tumuloy ng gabi. Ng makapagbayad na ay umakyat na kami sa aming kwarto para mahiga.
BINABASA MO ANG
The Secret Behind Us (Completed)
Horror"hindi nila malalaman ang katotohanan kung walang magsasabi." -Christian Ctto. of the photo cover used and editing...