Sai Wunna Aung as Yuji Guarin
*******
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
The Handsome Flower
AiTenshi
March 4, 2020
Part 11
"Blas! Ano ba naman iyan anak! Alas 10 na di ka pa rin bumabangon. May sakit ka ba ha?" ang matining na boses ni mama habang kinakatok ako sa pinto.
"Maaa, Sunday ngayon. Ayokong bumangon masakit ang katawan ko!" ang wika ko sabay suklob ng kumot.
"Bakit ganyan kayong mga kabataan ngayon, kapag linggo ay hindi na mabakbak sa higaan. Kagabi umuwi ka ng puro dusing, ganyan ba talaga ang party ng mga mayayaman? Sampalan ng cake, buhusan ng tubig at sabuyan ng harina?" tanong nito.
"Ma, iyon ang theme ng party. "Cake mo sampal mo!" ang pag lilinaw ko. Kagabi kasi ay halos matakot sila sa akin noong pumasok ako sa loob ng bahay. Mukha akong zombie na sinabuyan ng harina at cake. Muntik na nga akong hampasin ni papa dahil hindi niya ako nakilala. At lahat ng iyon ay kagagawan ng isang walang kwentang nilalang.
Tahimik..
Tumunog ang aking cellphone at dito ay may isang mensahe na nag pop up sa aking messenger. At noong makita ko ang pangalan nito ay napa ngiwi nalang ako.
Ang mensahe ay mula kay Yuji Guarin. Nag padala siya ng picture ng green card na nag papa alala na ako ay hawak niya. Tapos sinundan ito ng sticker na "you're dead". Hindi ko nagustuhan ang kanyang mensahe kaya blinock ko siya para hindi na niya ako magulo pa.
Ang abnormal na si Yuji Guarin, walang magawa sa kanyang buhay. Siguro ay bored na bored siya ngayon dahil wala siyang mapag tripan. Muntik pa tuloy masira ang araw ko sa nakaka kilabot niyang mensahe.
"Blas, nandito si Darrio, bumangon kana diyan. Minsan ka lang dalawin ng kaibigan mo tapos ay naka higa ka pa rin? Bumangon kana diyan!" ang sermon ni mama
"Nandyan na ma! Hindi mo naman kailangan mag ingay ng todo." ang sagot ko sabay labas sa aking silid at dito nga ay nakita ko si Darrio na inaayos ang dala niyang cake.
"Hindi mo nakuha ang sweldo mo kagabi kaya heto, binabibigay nalang ni Boss. Dinagdagan na rin niya iyan dahil masipag ka raw at pumapasok kahit na pagod ka sa school." bungad niya sabay abot ng sobre.
BINABASA MO ANG
The Handsome Flower BXB 2020
RomanceGusto mo bang makatanggap ng RED CARD? Ang kwento ito ay BXB version ng sikat na Asianovelang Meteor Garden.