PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
The Handsome Flower
Season 2
AiTenshi
March 18, 2020
Ang hayaan ko ang aking sarili na mabasa sa malakas na buhos ng ulan ay isang paraan upang hindi mahalata ang mga luhang pumapatak sa aking mata. Malakas ako at hindi madaling sumuko, iyon din ang akala ko sa aking sarili. Pero bakit ngayon ay nanginginig ako sa takot at ang aking tuhod ay hindi ako maikilos ng maayos?
Epekto ba ito ng ibayong sakit na namumuo sa aking dibdib? O dahil lang ito sa isang malabong pag asa na hindi ko makita?
Noong mga sandaling iyon ay sumagi sa aking isipan na sana ay kasing tapang ako ng ulan, na kahit bumagsak ang mga ito ng paulit ulit ay hindi sila natatakot na masaktan..
Part 33
"Anong mayroon?" tanong ko kay Jay noong makita ko itong nakatayo sa harap ng bulletin board.
"Isang malaking problema para sa mga ordinaryong mag aaral na katulad natin." ang wika niya sabay pakita sa akin ng bagong announcement ng campus kaya binasa ko ito.
"Tataas ng matrikula sa susunod na semester." ang wika ko.
"Oo Blas, kada semester ay tumataas ang kanilang tuition fee. Ito na ang ikalawang pag taas simula noong nag aral ako dito." sagot ni Jay.
"Pero scholar tayo dito diba? Pati ba tayo ay apektado?" tanong ko.
"Oo Blas, sa pagiging scholar natin ay 70% ng matrikula ang libre at 30% lang ang babayaran natin. Pero tataas pa rin ang 30 porsiento na iyon. Di bale, malapit na ang summer, pwede tayong mag side line para maka ipon." ang tugon ni Jay habang naka ngiti. Samantalang bakas naman sa aking mukha ang pagiging problemado.
"Yung sweldo nga lang ni papa ay kulang pa sa amin. Hindi bale, gagawa nalang ako ng paraan." ang sagot ko.
"At ano namang paraan ang gagawin mo Blas? Mag bebenta ka na naman ng katawan mo sa twitter? Im sure kahit maubos mo ang lahat ng alter doon ay kulang pa rin ang ipon mo. Iyan naman talaga ang pinaka malaking problema ng mahihirap na scholar na katulad niyo. Umaasa lang kayo sa libre." ang wika ni Evan noong sumulpot sa aming likuran.
"Pero sa aming mga mayayaman bale wala ang pag taas ng tuition fee, kahit ngayon ay kaya naming bayaran iyan sa allowance namin." ang maarteng sagot ni Lippi.
BINABASA MO ANG
The Handsome Flower BXB 2020
RomanceGusto mo bang makatanggap ng RED CARD? Ang kwento ito ay BXB version ng sikat na Asianovelang Meteor Garden.