Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
The Handsome Flower
AiTenshi
March 11, 2020
"Blas, single ka naman pala, bakit hindi tayo mag date?" ang tanong isa..
"Kami ang mag dadate ni Blas, i know him, king of the night siya sa Mid Class ngayong taon. Im a fan." ang hirit ng isa at nakipag kamay sa akin.
Natawa nalang ako.
Napatingin ako kay Biew na nakaupo sa tabi ng F4, tawa siya ng tawa..
Samantalang sa isang sulok at naroon si Yuji, nanlilisik ang mata at nakatingin sa akin ng masama.
Part 20
"Tama iyan uminom ka ng marami dahil mukhang napagod ka sa pakikipag landian mo sa iba't ibang lalaki." ang wika ni Yuji noong nag katabi kami kuha ng inumin.
Ngumiti ako sa kanya at inayos ang kanyang kurbata. Hinayaan naman niya ako sa aking ginagawa. "Mabait sila at ang iba sa kanila nakapa humble kahit mayayaman." ang sagot ko.
"Siyempre ang papakitang tao lang sila. Kilala ko ang mga likaw ng mga bituka ng mga iyan. Iisahan ka lang nila, ikakama at iiwanan kang luhaan." ang sagot niya.
"Alam na alam mo ah, mukhang ganoon ka rin sa kanila."
"Hindi ako ganoon, huwag mo nga akong inisin dahil malapit kanang bumingo sa akin. Diyan ka na nga!" ang wika nito sabay iwas sa akin.
Aalis na sana ako pero hinarang nanaman ako nina Evan at Lippi. "Ano nanaman?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Namumuro kana sa amin Blas. Bakit ba ikaw nalang lagi ang star pasko? Bakit ayaw mag shine ng gabi sa amin kapag nandito ka? Ano bang lamang mo sa amin ni Lippi? Pareho kaming mas makinis, mas matangkad, mas magandang manamit at mas virgin kaysa sayo. At ang hindi ko matanggap ay kung bakit ikaw ang bet nila e hindi ka naman maganda? Hindi ka naman babaihan at lalong hindi ka gandang natural." ang tanong ni Evan.
"Kung hindi kayo gusto ng ibang tao ay baka may problema mismo sa inyo? O baka naman sa ugali ninyo?" tanong ko.
"Excuse me, edukado kami kung kumilos. At maraming training ng personality development ang pinag daanan namin ni Evan para lang maachieve ang ganitong flawless at pinong pag kilos. Naiinggit ka lang kasi ang tigas tigas mo, wala kang trace ng pagiging babaihan kaya't mamatay ka sa inggit!" ang hirit ni Lippi.