Chapter 4

7 2 0
                                    

Classmates

Kinaumagahan, nagising ako ng may ngiti sa labi dahil naalala ko yung chinat sa akin ni jason kagabi. Halaa kaa! Bakit kasi pinapakilig ako ni papa jayson hindi tuloy ako nakatulog ng maayos kagabi. Bumaba na ako sa kama ko at dumiretso na sa cr. After kong maligo nag-ayos na ako at bumaba na sa baba upang kumain. Hindi pa lang ako nakakaupo sa hapag kainan ay nagsalita na ang pinakaepal kong pinsan na si Kariel.


"Hoy Lia hindi ka muna makakasabay sa amin mamaya kasi kasabay ko papasok boyfriend ko" ngiti niyang sabi sa akin. Ay Edi woww siya na may bebe!


"Ganun ba" pagpupumilit kong sabi sa kanya kahit ang totoo ayokong maglakad nakakatamad kaya kapag umaga pero okay lang matagal na rin naman akong hindi nakakapag-exercise.


"Sige Kariel ok lang sa akin iyon. Basta Enjoy kayo sa kotse ha wag kayong gagawa ng karumal dumal dun" pabiro kong sabi sabay tawa na parang mangkukulam at umalis ako kaagad. Buti na lang talaga kaming dalawa lang yung kumakain. Kung hindi masesermonan to ng di oras. Ayoko ngang mangyari yun baka madamay pa ako.


"What!" galit niyang sabi.


Hindi ko na siya nilingon dahil baka malate na naman ako. Wala na ako pakealam diyan. Ginusto niya yan kaya tanggapin niya. Hmpppp.


Pagdating ko sa school ay sakto sakto tumunog na ang bell. Kumaripas na ako ng takbo pero habang tumatakbo ako ay may nakabanggaan ako kaya nahulog yung dala dala niyang libro. Kung kaya't dali dali kong pinulot yung mga librong nahulog.


"Sorry p---" hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ay nagulat ako sa kaharap ko. Oh My! Diba si Jayson to?
Anong ginagawa niya dito? Wag niyang sabihing gusto niya kong makita!Ayieeee hahaha ang assuming ko.


" Lia?" Gulat niyang sabi sa akin nang tumingin na siya sa akin.


" Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin.


" Dito ako nag-aaral" sagot ko sa kanya.


"Talaga?" Ngiti niyang sabi sa akin.


Gusto ko pa sana makipag-kwentuhan sa kanya kaya lang naalala ko late na ko. Ayyy nakuu!


"Jayson mauna na ako ha malalate na kasi ako. See u na lang mamaya." pahabol kong sabi sa kanya.


Kaagad na akong kumaripas ng takbo papuntang room. Pagdating ko sa room, wala pang yung professor namin. Buti na lang talaga pero wait? Si Jayson? Anong ginagawa niya dito?
Siya ba may-ari ng school na to? Imposible! Nawala na ako sa pagtatanong sa sarili ko ng dumating na si Ma'am Maya.


"Goodmorning Students! Before we start our lesson ay may bago kayong magiging kaklase." patuloy na sabi ni Ma'am Maya. Ha? Nu daw? Bagong kaklase?

I Love You So Much (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon