Chapter 16

7 2 0
                                    


"Lia Mahal na Mahal kita."

"Mangako tayo sa isa't-isa na hindi tayo maghihiwalay."

"I love you so much Jayson"

Napabalikwas ako ng higa dahil sa napaniginipan ko. Pawis na pawis ako. Ano yun? Bakit pamilyar sa akin yung lalaki? Tiningnan ko ang oras, 8:00 na ng umaga. Tumayo na ako at pumunta sa banyo para mag-ayos. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na ako.

"Good---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko ang lalaking nakaupo sa tabi nina Mommy.

"Ikaw!" turo ko sa kanya. Anong ginagawa niya dito?!

"Ah Anak ako ang nag-imbita sa kanya dito." sagot ni mommy.

"Anak ano bang problema?" tanong sa akin ni Daddy.

"Dad hindi niya po maalala si Kuya Jayson." bulong ni Lara.

Hindi pa din ako umuupo dahil sa gulat. Ewan ko pero bakit nagagalit ako sa kanya.

"Sorry kung naistorbo kita." malungkot na saad ni Jayson.

"No Kuya!" pigil ni Cassy.
Huminahon na ako dahil baka atakihin ako.

"Sorry, pero can we talk?" saad ko. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa akin. Sumunod naman siya sa akin papuntang terrace.

Huminga muna ako ng malalim at nagsalita.
"Una sa lahat gusto kong mag-sorry sa naging reaction ko lately." sabi ko.

"Ok lang. Alam ko naman kung anong sitwasyon mo ngayon." kalmado niyang saad.

"Pero may gusto lang akong itanong sayo Jayson." saad ko. Curious talaga ako kung ano ba talagang koneksyon ko sa kanya at sa pamilya ko.

"Ano iyon?" sagot niya.

Huminga muna ako ng malalim at hinanda ang itatanong ko. Mukang mapapa q and a si Jayson nito.

"Naging tayo ba?" tanong ko nang walang bakas sa tono ko. Nagulat naman siya sa tanong ko kaya ilang segundo siya nakakatitig sa akin.

"Oo naging tayo." umaliwalas naman ang mukha ko dahil sa sagot niya.

"Ganun ba pero hindi kita maalala." sagot ko sa kanya.

"Mahabang istorya, Lia" paliwanag niya.

"Dahil ba ito sa sakit ko?" tanong ko. Matagal ko nang tinatanong ito sa sarili ko at hindi ako sigurado kung tama ang hinala ko na baka ito ang rason kung bakit hindi ko siya maalala.

"Oo" malumanay niyang sabi.
Sabi ko na nga ba eh.

"Jayson" tawag ko sa kanya. Kaagad naman siyang lumingon. Huminga muna ako ng malalim at sandali kong pinag-isipan kong sasabihin ko ba sa kanya itong ideyang ito.

"Tulungan mo akong maka-alala." matapang kong sabi.

Para sayo din ito Jayson.

**********************

(Pasensya na kung konti ito pero i'll try sa next update ko na mas lalong dumami ang mga scenes. Fighting!)


I Love You So Much (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon