Chapter 9

6 2 0
                                    

LIA POV

Gabi na ng pagdesisyunan ni Jayson na umuwi. Pumayag na ako dahil alam kong pagod siya. At kinakailangan ko din ang magpahinga. Pero hindi ko mapigilan alalahanin yung confession niya kanina. OMG! Hindi ako tuloy nakatulog.

Kinaumagahan ay kaagad bumungad sa akin ang mga Doctor. Well alam ko na kung anong pakay nila dito. Huminga na lang ako ng malalim at sinabing I'm ready. Tinurukan na nila ako nang anesthesia at kung ano-ano pa. Hanggang sa nakaramdam na ako ng antok.

"Lia?"

Huh? Kaninong boses yon? Teka lang. Parang pamilyar. Boses yun ni Ate.

"Lia"

Muli ko na naman narinig ang boses na yon kaya kaagad akong tumayo sa kinalalagyan ko. Sinundan ko ang tunog ng boses na yun. At nakumpirma ko nga na si ate iyong tumatawag sa akin.

"Ate?"

Lumingon siya sa akin at ilang segundo pa ay ngumiti siya.

"Lia nandyan ka lang pala" mahinhin niyang sabi.

"Ate anong ginagawa mo dito. Bakit gising ako? Nasaan yung mga doctor?" tanong ko.

Huminga muna siya ng malalim at nagsalita.

"Lia nanaginip ka lang. At nandito ka dahil gusto kitang makita." Aniya.

"Pero paano ka nakapunta dito?" hindi ko mapakaling sabi sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil may gumugulo sa isipan ko. Ganito kasi yung mga nangyayari kapag nakatulog ka sa kalagitnaan ng operasyon. Tapos tatanungin ka kung gusto mo bang mag-stay dito. Natatakot ako na baka tanungin niya ako. Gusto ko pang mabuhay at magkaroon ng pagkakataon na makasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

"Lia wala akong planong tanungin sayo kung sasama ka na sa akin. Nasa sayo ang desisyon." natatawa niyang sabi. Siguro nabasa niya yung iniisip ko kaya natawa siya. Eh nagtataka kasi ako kung bakit nandito ako.

"Nandito ako para kamustahin ka. Nakita ko lahat lia kung gaano ka nahihirapan sa buhay mo. Alam ko din na dadating ang araw na magkikita tayo."  paliwanag niya.

"Nagbibiro lang ako ate hindi na ka naman mabiro oh. Pero i dont expect na makikita kita. I really miss you ate." malambing kong saad sa kanya.

"I miss you too but kailangan mong magsurvive at bumalik doon. Ayoko nang makita sina mama at daddy na umiiyak nang dahil sayo. Tama na yung nangyari sa akin. Gusto ko lang na makita ka. At gusto ko din tanungin kung sino yung lalaking nagpapatibok sa puso mo." seryoso niyang sabi. Hala!

"Wag kang matakot lia hindi naman kita pagbabawalan basta ipangako mo sa akin na wag mong pababayaan yung sarili mo. Nakita ko sa mga mo na inlove na inlove ka sa kanya. Nakakatuwang makita na dalaga na ang kapatid ko. Pero eto lang ang bilin ko sayo, hindi lahat ng relasyon ay magiging masaya. Kailangan mo munang dumaan sa pasikot-sikot na pagsubok. Kaya matuto kang lumaban para malampasan mo iyon." bilin niya sa akin.

"What do you mean Ate?" nalilito kong saad.

Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo.

"Mag-iingat ka lia ha. Mahal na mahal kita" paalam niya sa akin. Gusto ko pa sanang tanungin kung anong ibigsabihin niya pero bigla na lang siyang nilamon nang maputing liwanag.

Nagising na lang ako nang may humawak sa akin.

" Ate Lia! Gising ka na. Kamusta?" tuwang-tuwang sabi sa akin ni Lara.

"Nasaan si Mommy?" tanong ko.

"Nasa baba bumili nang lunch. Kamusta ka na ate? Isang araw kang natutulog." malambing niyang saad sa akin.

"Isang araw?" gulat kong tanong.

Tumango na lang siya.
"Lara alam mo ba nakita ko sa panaginip si Ate Kristin" masaya kong sabi.

"Talaga ate? Anong sabi niya?"

"Namimiss niya na daw tayo" naiiyak kong sabi. Hindi ko kase mapigilan ang umiyak. Umiiyak na tuloy itong kapatid ko.

Kinwento ko pa sa kanya lahat ng sinabi sa akin ni ate kaya iyak at tawa na lang reaksyon namin. Hanggang sa dumating na si Mommy kasama yung doctor ko.

"Oh Lia Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ng doktor sa akin.

"Ayos na po."

"Well Mrs. Bartolome. Let's start?" tanong ng doktor kay mommy. Tumango na lang si Mommy bilang sagot.

"Maayos naman yung operasyon mo Lia. So we want to inform you. Wala pang kasiguraduhan kung tuluyan na bang nawala ang sakit mo. May persyento kung tuluyan ka na bang gumaling o hindi. Ang cancer ay pwedeng bumalik." paliwanag ng doctor sa akin.

"So ilang percent na may pagkakataon na bumalik itong sakit na ito?" nangangamba kong sabi.

Huminga mo na nang malalim ang doktor at sinabi na.

" 50 Percent"

*************

I Love You So Much (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon