Prologue:

3 0 0
                                    


Ilang beses na ni Korin tiniis at nag desisyon na bigyan pa ulit ng tyansa ang kasintahan ng isa pang pagkakataon. Nambabae, nag uwi ng babae sa bahay, hindi nagpakita ng ilang buwan at bigla nalang lumitaw ulit. Ilan lang iyon sa mga ginawa ng taong mahal niya sakaniya. Pero ito pa rin siya naniniwala na may pag asa pa ang relasyon nila.

Dominic used to be a wonderful man, responsable at handang isakripisyo ang kaligayahan para sa taong mahal. Kaya naman noong inaya siya nito na mag sama na sila sa isang bahay at mag simula na ng isang pamilya hindi siya nag dalawang isip.

Pero nag bago ang lahat ng nag dalawang taon ang kanilang anak. Ang responsable at masipag na padre de pamilya parang nag laho ng bula at isang personalidad ang hindi niya inaakala na kayang gawin sakaniya. Si Dominic na minahal niya, nawala na.

Hanggang sa nag anim na taong gulang ang anak niya siya na ang mag tatrabaho para sa kanila. Tila inako na lahat ni Korin ang responsibilidad na dapat mag ka agapay nilang tinataguyod ni Dominic.

Maraming beses na niyang kinausap ang asawa, nag away at umiyak para maiparating dito na nasasaktan na siya at ayaw niyang makikita ng ibang tao na ganito ang kakalakihan ng anak nila na si Gab.

Kaya naman, ng isa pang beses muli niyang nahuli ang asawa. Ayaw niya na, nag alsa balutan na sila ng kaniyang anak at walang pasabi na umalis. Iiwan na nila ang bahay at pamilya na pinangarap niya at mag sisimula na muli, ng walang Dominic sa buhay niya. Siya at si Gab lang.

It Ends Here.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon