KASARIAN

74 6 0
                                    

Note: This is a 4k plus words story and not a true to life story but please enjoy reading.

---

Madami na akong naging boyfriend simula noong tumungtong ako ng Junior High School, puppy love man kung tawagin pero halos ang iba sa kanila ay minahal ko talaga at sineryoso.

Pero iba na itong pagmamahal na nararamdaman ko ngayong Grade 10 ako, nagsimula sa biro-biro ng mga kaklase ko sa akin. Eto naman ako at sinasakyan lagi ang mga birong ito na hindi ko na namalayan ay humantong na sa pagiging totoo.

“Oh picture naman daw si Ercil saka si Lanie para may remembrance.” sabay hatak sa akin ni Michael papalapit kay Ercil saka nagtilian sa kilig an gaming mga kaklase.

Kasalukuyang ginaganap ang Career Guidance Show namin ngayon, dito imo-model mo ang future program or future self na pakiramdam mo ay makakatamtan mo. Nursing ang pinili kong i-portrait para sa kaing sarili at sa kanya naman ay pagpapari. Ang weird no? Hindi ko alam kung anong trip nila kasi hindi lang siya ang nakapangpari na attire.

Malaki ang ngiti ko habang kinukuhanan kami ng litrato at naramdaman ko na bigla niya akong inakbayan kahit hindi ito sinabi ng iba kong mga kaklase. Napatingin ako sa kanya at mas lalong nagtilian ang aming mga kaklase.

Akala ko ng mga panahon na iyon ay sinasakyan lang din niya ang trip ng mga kaklase namin kaya ganoon din ang ginagawa ko pero bago matapos ang araw na iyon ay niyaya niya akong maglakad upang ihatid ako sa amin. Halos malapit din naman ang bahay namin sa school at ganoon din siya.

Hindi naman literal na kaming dalawa lang ang magkasabay dahil kasama namin ang iba naming kaklase na malapit lang din ang bahay sa amin. Panay biro parin ang sinasabi sa amin ngunit nanatili lang kaming tahimik na naglalakad.

“Mamaya niyan magkatotohanan na ito ah!” sabi ng isa kong kaklase na katropa niya habang inaakbayan siya.

“Patay tayo diyan Ercil! Lakas ng kamandag ni Lanie!” singit pa ng isa kong kaklase at natawa nalamang ako.

Tahimik parin siya pero napapangiti sa mga sinasabi nila, kung mapapansin mo sa kanya ay halos hindi siya nagsasalita pero hind siya pipe ah?

Matangkad, maputi, singkit ang mga mata, at maganda ang hugis ng katawan na hindi mo aakalain na isa siyang napakatahimik na tao. Tipong napakahina pa ng boses kung kakausapin mo at mafe-feel mo na baka iba ang kasarian niya.

“Salamat, ano…una na ako saka ingat ka.” saka ako ngumiti sa kanya.

Inabot niya ang paper bag na dala-dala ko kanina, “Ingat ka din.” tipid nitong sagot at ngumiti din.

Hindi ko pa kasi siya maiharap kila Mama at Papa baka ano pa ang isipin eh biro-biro lamang. Pinanood niya muna akong maglakad papasok sa aming bahay bago siya umalis ng tuluyan upang umuwi narin.

Ilang araw ang lumipas at mas napadalas ang paghatid niya sa akin sa aming bahay. Minsan nga ay tuwing may meeting kami ng SSG (Supreme Student Government ) , hinihintay niya parin ako pero hindi ko pinansin iyon bilang namumuong pagmamahal sakin dahil kasama naman niya ang iba niyang tropa at inisip ko nalamang na tumatambay sila.

From: Ercil
Kain na muna ako, ikaw din :) 

To: Ercil
Sige eatwell :)

From: Ercil
Yun lang? Walang love you?

To: Ercil
HAHAHA! Hindi ko alam na joker ka pala.

Dumaan muli ang ilang buwan at napunta na kami sa stage ng pagiging textmate to the point na pakiramdam ko na hindi siya iyon dahil napakadaldal niya pati narin yung mga biro niyang banat sa akin ay hindi makatotohan sa tuwing kasama ko siya.

Short Stories (Compilation) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon