DATI

89 12 0
                                    

Overall Note: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely confidential.

Do not distribute, publish, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Grammatical errors, terms and typos ahead. Kindly take consideration and understanding. Enjoy Reading!

---

Dati...halos hindi na ako pumasok dahil tamad na tamad akong mag-aral pero eto parin ako nakagraduate at sa dating kaugalian kong hindi gustong pumasok ay nagbago ng maging senior high school student ako.

Noong makilala ko siya...si Megan Lein Trinidad

Morena ang kulay ng kanyang balat na nakakahalina.

Matangos ang ilong na bumabagay sa ganda ng kanyang mukha.

Bilugan ang mga mata na di ko mapigilang tignan, ako ba'y nahihibang?

Mala-anghel ang boses na tila hinehele ka sa sobrang ganda.

Bagama't may ugaling tumataliwas sa kanyang boses ay hindi ko magawang pigilan ang nararamdaman ko sa kanya.

Siya yung tipo ng babae na hindi magpapatalo kapag mayroong humahamon sa kanya o kahit na may marinig lamang siya na usap-usapan tungkol sa kanya.

At siya ang unang taong nagustuhan ko...

-

"Hoy! Jam ano yung mga naririnig ko, pinagkakalat mo na nilandi ko yung boyfriend mo kaya ka iniwan." napalingon ako sa kinakaupuan ko, nagsisimula nanaman siya.

"Oh talaga? Sure ka sa pinagsasabi mo?" mataray na sagot ni Jam.

"Bakit ko sasabihin kung hindi ako sure?"

"Hindi ako nagkakalat ng mga ganung balita lalong-lalo na kung tungkol sayo, as if naman may pakelam ako kung ikaw man yung nanlandi sa ex-boyfriend ko. Tingin ka muna sa salamin, mukha ka kayang tubol." diretsuhang sabi ni Jam at tumawa pa ito.

Napatayo ako biglang tinulak ni Megan ang isang upuan na humaharang sa harapan nila ni Jam at unti-unting lumapit sa kanya.

"Hindi rin naman ako mageeksena dito kung mayroong mukhang shokoy na nagkakalat ng mga maling balita tungkol sakin." sabay taas ng isang kilay ni Megan kay Jam bago pa man mag-away muli ang dalawa ay binulungan na ako ng president namin na awatin silang dalawa.

"Ano ba? Tumigil nga kayo, paparating na yung next subject teacher natin." mahinahon kong sabi habang pumapagitna sa kanila.

"Pwede ba? Gab umalis ka muna hindi pa ako tapos sa malaking pangang babae na ito." pinilit niya akong alisin sa gitna nila ngunit nagmatigas ako.

"Ano? Malaking panga?!" Sigaw ni Jam na gusto lapitan si Megan ngunit pinigilan siya ng kaniyang mga kaibigan.

Ngunit gustong magpatalo ni Megan at pilit niya akong inaalis sa harapan niya.

Sa pagdampi ng kaniyang mga daliri sa aking braso na tila ba tumigil ang aking mundo sa mga oras na iyon.

Alam kong corny para sa isang lalaki pero, ito na siguro yung tinatawag nilang love, p*t@ para akong bading.

Short Stories (Compilation) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon