DIARY:ONE-para sa lahat ng FRIENDZONED! MABUHAY!

14.7K 180 64
                                    

_____________________________________________

Dear Diary,

     Start na ng klase… Kinakabahan ako kasi unang beses kong makihalubilo sa mga hindi ko kilala! YES! COLLEGE NA AKO! SA WAKAS! AMEN! Anyway… May bago akong nakilala sa klase… Parehas kami ng kursong kinukuha… Hindi ko naman kasi talaga siya mapapansin… Pero sobrang kapansin-pansin kasi siya! Katabi ko pa. Hindi ako Bato para hindi talaban ng powers niya… Tao lang ako diary! Eeeee… nakakaloka kasi! Meron pa lang mga lalakeng sinalo na ang lahat ng biyaya ni LORD. Nagpakilala siya sa akin kanina. Daniel ang pangalan niya.

Kath

_____________________________________________ 

Dear Diary,

     Masarap pala na magkaroon ng kaibigan na lalake diary. E kasi naman galing ako sa all girl’s school kaya para akong ermitanya na unang beses makakita ng lalake. Alam mo ang bait bait ni Daniel! Tinanong niya ako kung okay lang sa akin na sumabay sa akin sa tuwing lilipat kami ng classroom sa bawat subject unit na nakalagay sa course namin. Grabe lang! Feeling ko may BF ako na kasabay. HAHA! FEELING!

Kath

 _____________________________________________

 Dear Diary,

      Ang hirap pala ng kinuha kong kurso. Haaay… Pinili kasi nila ito para sa akin… Sabi din ni Daniel na hindi din niya gusto itong kurso namin. Gusto daw niyang maging Architect balang araw pero ayaw ng Papa niya. Anyway muhka namang hindi nahihirapan si Daniel. Sa katunayan nagto-top pa ito sa klase. Nakakainis lang kasi ako review ako ng review tapos siya pa-petiks petiks lang. ANO BA?! LORD naman sobra namang perpekto ni Daniel? Hindi na nga nag-review perfect niya pa rin ang quiz namin sa kahit anong subject! Kapag ganoon nahihiya akong ipakita sa kanya ang score ko. Hindi naman niya ipinagmamayabang ang score niya… pero ayaw ko lang na isipin niyang hindi ako matalino. Nung isang araw naka-perfect din ako… kasi tinulungan niya akong magreview… sinulat niya sa papel ang mga dapat kong i.memorize… at nagdilang anghel ang loko! Dahil lahat ng sinabi nito lumabas sa quiz namin. Diary, alam mo ba pagkatapos ng quiz namin laking gulat ko na lang ng nilingon niya ako sabay kindat. ALERT ALERT! AKALA MO PANA KUNG TUMAGOS ANG KINDAT NIYA SA AKING PUSO!

Kath

_____________________________________________  

Dear Diary,

     Promise babawasan ko na ang exposure ko sa kanya. Lumalayo naman ako ee pero siya mismo ang lumalapit. Minsan hindi ko siya pinapansin kung nagpapatawa siya pero hindi ko din matiis! NAKAKAINIS! Dahil sa tuwing nagkukunwari ako na hindi ko siya napapansin lalo siyang nagpapapansin. At ako naman tuwang tuwa! FOREVER na lang kaya na hindi ko siya pansinin? FOREVER DIN BA SIYANG MAGPAPAPANSIN?

Kath

 _____________________________________________

Dear Diary,

     Ngayon ko lang napansin… na sa tuwing kumakain ako tinitignan niya pala ako… ANO BAAA! Papaluin ko siya sa braso sa tuwing ginagawa niya iyon. Ang cute ko daw kasing kumain. ANG HABA NA NAMAN NG HAIR KO. Nako-conscious akong kumain. Napansin ko din na kahit madaming upuan sa paligid, makikipag-unahan ito sa ibang barkada namin na umupo sa tabi ko. Diary… walang katapusang kalbaryo ba ito? Daniel hangang kelan mo pa panginginigin ang aking puso?

DIARY:ONESHOT COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon