DIARY: FOUR - Para sa lahat ng galit sa MATH! MABUHAY!

2.2K 68 11
                                    

       “2x+3 = 5”

       “To solve for x, the first step is to isolate the numbers surrounding 2x by subtracting 3 from both sides of the equation.”

“ 2x + 3 = 5

          -3=-3

___________

           0 = 2 “

       “Cancel both 3 from the first equation and leave the difference which is two so that the only thing left is 2x=2. Final step, we will just divide both side of the equation by two.”

       “2x/2=2/2, cancel both 2 on the left side of the equation and we are left with x. On the right we are left with a simplified quotient of 1.”

      “Therefore x=1”

      Tila milenyo ang nagdaan bago ko natapos ang nakakanginig tuhod na pagsasalaysay kung paano lulutasin ang equation. Nanuyo ang lalamunan ko sa sobrang nerbyos dahilan kaya hindi ako makahinga ng maayos.

      Nahihiyang inayos ko muna ang makapal kong antipara bago ko nilingon ang aking katabi. Ang nag-iisa at walang iba na si Billy Fernandez.

      “Na-na… naintindihan mo ba?” sabi ko habang patakas na sumulyap sa katabi kong nakayuko sa kanyang upuan at seryosong nakatingin sa notebook kung saan ko sinulat ang solution.

      “Tsk. Isa pa nga.” Iling nito habang kumakagat sa hawak nitong pencil na mongol. “Isa pa Jane.” Pagmamakaawa nito sabay lingon sa akin gamit ang mapungay na mata nito.

      WALA NA NAMAN ANG AKING BATAAN.

      WALA PANG GIYERA PERO GUSTO NANG SUMUKO!!!

      Si Billy Fernandez lang naman kasi ang kalaban.

      Si Billy na matagal ko ng gusto.

      Mula prep.

      Mula kinder.

      Mula grade 7

      Hangang ngayong highschool.

      Pero kagaya ng pagsinta ko sa kanya na ilang taon na ganoon din ang nararamdaman niya sa akin. Matagal na rin siyang walang nararamdaman para sa akin.

      Hindi naman kasi ako kapansin-pansin.

      Wala ako noong sinasabi nilang GANDANG HINDI MO INAKALA.

      Hindi ko nga alam kung alam niya na magkasama na kami sa school na iyon mula pa noong prep.

      Hindi ko alam kung naaalala pa niya na nag-me-make-up kaming dalawa tuwing art class gamit ang crayons noong prep.

      Hindi ko alam kung naaalala pa niya naihi ako noon habang nakikipaghabulan sa kanya noong elementary.

      Hindi ko alam kung alam niya na nagkukunwari kami noon na siya si Batman at ako si Wonderwoman.

      Hindi ko alam kung alam niya na minsan pala naging close kami noon.

      Pagtapak kasi namin ng Highschool umusbong ang papularidad nito. Ni hindi ko na ito malapitan dahil sa dami ng tagahanga nito at mga kaibigan.

DIARY:ONESHOT COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon