DIARY: FIVE: Para sa lahat ng mahilig sa kwek kwek!

2.5K 107 42
                                    

“Pachot. Can’t take my eyes off you na naman ang peg?” bulong ko sa aking sarili habang nakatingin ng diretso.

Mula sa kinauupuan ko kitang-kita ko SIYA.

Ang LARGER THAN LIFE ko.

Malayo pa lang alam ko nang siya iyon.

20/20 ang vision ko pagdating sa kanya, na-su-zoom-in nga kung minsan, minsan HD pa!

Ang matikas nitong tindig.

Ang mga balikat na iyon na kay sarap sandalan.

Ah! Suot nito ang paborito nitong puting t-shirt.

Ang makisig nitong dibdib.

Bakat na bakat tsong!

Ang mga kamay nitong kay husay tumugtog ng gitara.

Ang mahahaba nitong paa na hindi nagmamadali.

Ang panga nitong masarap titigan.

Ang ilong na matangos.

Ang mata nitong matamis kung tumitig.

At ang malago at malambot tignan na buhok nito.

“Pachot kaway na.” bulong ko sa aking sarili ng sa wakas nasa harapan ko na siya.

Ilang semester ko na bang binubulong iyon sa aking sarili? ILANG SEMESTER NA, PATAWARIN!

Nangitim, namawis at namaho na ang kili-kili ko pero hangang ngayon hindi ko pa rin maiangat ang mga braso ko para kumaway dito.

Kagat-labing natigil ang paghinga ko habang pumuwesto ito sa TAGPUAN namin.

Ako lang ang nakakaalam na TAGPUAN namin iyon.

Isang tipikal na upuang pangdalawahan na kagaya ng mga pakalat-kalat sa loob ng university. Ang pwesto NAMIN ay espesyal dahil sa tabi ito ng puno ng acacia. Oo acacia… Ewan naman kasi kung bakit doon nilagay ang bench na iyon. Sa itsura ng acacia muhkang lahat ng mga lamang lupa at paranormal na bagay ay ibinahay na nito kaya walang umuupo. Kami lang. Kekeke.

First year ako ng makita ko ang TAGPUAN namin. Anong petsa na ngayon? Malapit na akong mag-third year!

Dahil lunch noon at wala na akong maupuan kaya napilitan akong umupo sa kalumo-lumong upuan na iyon. Pakiramdam ko noon masasaniban ako habang kumakain ng kwek-kwek na babad sa sukang may sibuyas, bawang at sweet sauce.

Pero dumating siya.

HAHA! Syensya, kinikilig pa rin ako kapag na-aalala ko.

DIARY:ONESHOT COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon