Eidel's POV
Papasok na ko ng school ngayon. Nakakainis. Napaka aga pa kasi eh. Inaantok pa ko kaso no choice. Kailangan pumasok eh.
"Manong, dyan na lang po sa tabi", sabi ko sa driver ng tricycle. "Eto po yung bayad"
Pagkababa ko ay pumasok na agad ako. Late na kasi ako sa first subject namin eh. Malamang nyan, yari nanaman ako! *sighs*
Tumakbo na ko papunta sa room namin na nasa third floor pa ng building ng Seniors. Hingal na hingal na ko pagdating sa 2nd floor kaya nagpahinga na muna ko saglit.
Aakyat ba sana ulit ako ng..
"FERS!"
tawag sakin ng sira ulo kong bestfriend -.-
sinamaan ko lang sya ng tingin. alam naman nya kasing ayaw na ayaw kong itinatawag nya yun sakin eh. -.-
"sorry na best! init ng ulo neto no? ano ba pala ginagawa mo dito? diba may klase na tayo?"
"edi papasok na. tinawag mo lang naman ako kaya ako napahinto eh"
"kanina pa kaya kita nakikita ditong nakatanga"
"nagpahinga lang ako kasi patakbo kong pumunta dito mula gate" sabi ko. "eh ikaw pala. bakit nandito ka pa? hindi ka naman nalelate ah?"
"may inutos lang sakin si Ma'am Castanieda. tara na. pasok na tayo"
Nung nasa harap na kami, pumasok lang agad ako sa room ng parang walang nakitang teacher sa harap.
"Good morning Ms. Santos!" sarcastic na bati sakin ng subject teacher namin
"Good morning ma'am" sabi ko sabay upo sa upuan ko
"Alam mo namang hindi na ko nagpapa pasok pag 30 minutes ng late sa subject ko diba?" pahiyaw nyang sabi sakin
Naiinis na ko. Sasagutin ko na dapat sya ng biglang nagsalita si best.
"Ah Ma'am. Sorry po. Ako po may kasalanan. Nagpasama po kasi ako sa kanya nung nakita ko syang papasok na kaya po sya nalate" pagsisinungaling ni best
"Is that true Ms. Santos?!!"
"Yes Ma'am"
yun na lang sinagot ko at baka kung ano pa masabi ko. hindi ba nya alam?! binabayaran lang namin sya dito para turuan kami. Hindi para hiyawan at pagalitan kami.
"Bakit ba late ka nanaman best?" tanung sakin ni Lance haban umuupo sa katabing seat ko
Lance Onill Vineheart Everest nga pala ang buong pangalan ni best. Apo sya ng may ari ng school namin pero pumapayag sya na utos utusan ng mga teacher dito. Ang tanga diba? -.-
"eh nalate kasi ako ng gising eh. hindi ka pa nasanay"
"agahan mo na kaya sa susunod yung gising mo ng hindi ka na malate!"
"eh ang hirap naman kasi gumising ng maaga lalu na kung puyat pa! puyat na puyat ako kakaisip sa-" shocks! muntik ko ng masabi na kakaisip sa kanya! hindi nya pwedeng malaman na may gusto ko sa kanya.
"saan best?"
"ah. eh. s-sa mga asawa ko. h-haha" pagsisinungaling ko
maniwala ka please. maniwala ka!
"sus! ano ba naman yan. hindi ba pwedeng yung paggising mo kinabukasan yung intindihin mo?!" inis na sabi sakin ni best
"eh kasi naman eh. ang hirap nilang hnd isipin. ang g-gwapo kasi nila eh."
"ewan ko sayo! bahala ka nga" sabay irap sakin ni best.
grabe ang gay ha!
A/N: mahal mo naman!