Chapter 2

0 0 0
                                    


Lance's POV

Nandito ako ngayon sa gym ng school hawak ang singsing na may nakataling lobo. Aalukin ko kasi ang pinakamamahal ko at pinaka natatanging babae sa buhay ko bukod sa nanay ko na maging girlfriend ko. Isang taon ko na syang niligawan. Ang totoo nga nyan, ayaw nya magpaligaw. Ako lang tong namimilit. Gustong gusto ko kasi sya eh. Hindi rin naman nagtagal ay hinayaan na lang nya kong manligaw sa kanya.

Inayos ko agad ang tayo ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng gym.

Nakita ko ang pagkagulat sa maamong mukha ni Alliah pagkabukas nya ng pinto ng gym. Kahit pala magulat sya, ang ganda nya pa rin. Napaka ganda nya talaga. Sya ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.

Naglakad na sya sa wakas sa daan na puno ng petals at may nakahanay na mga kandila.

"Anong ibig sabihin nito?" kunot noong tanung nya

Kinabahan ako sa tanung nya na iyon. Hindi nya kaya nagustuhan?

"A-ah, eh, A-alliah, W-wil you be my g-girl?" tanung ko sa kanya kahit na kinakabahan sabay luhod at abot sa kanya ng singsing na may lobo.

"Lance..."

"B-bakit?"

Kinakabahan na ko ng sobra. Bakit ba naman kasi mukhang hindi sya masaya sa surpresa ko sa kanya? Bakit parang ayaw nya?

"Sorry..."

"Sorry? P-para san?"

"Lance..." sabi pa nya ulit sa pangalan ko. "Sorry pero hindi mo ko pwedeng maging girlfriend. Hindi na pwedeng maging tayo" dugtong nya pa na sadyang nakapag pabasag ng puso ko.

Naramdaman kong may tumulo ng luha mula sa mga mata ko pero syempre, lalaki ako kaya hindi magandang may makakita sa akin ng ganun. Pinahid mo agad ang luha ko sabay tayo.

"B-bakit naman hindi pwede? Ayaw mo ba sakin?"

"Hindi sa naman sa ganun Lance. Hindi ko ayaw sayo. In-fact, I like you! I like you so much Lance!"

"So what's the reason why we cant be together?" pagalit ko ng tanong.

Ang labo naman nya kasi eh. Gusto nya daw ako tapos hindi naman kami pwede?

"Kasi ipapakasal na ko sa iba. At yun yung dahilan kung bakit nung una pa lang, ayaw ko nang manligaw ka sakin. ayokong mahulog sayo kasi hindi na nga tayo pwede" maiiyak na nyang sagot.

Naramdaman kong tumulo nanaman ang luhang kanina ko pa pinipigilan mula sa mga mata ko. Ang sakit kasi eh. Bakit ba naman naka arranged na sya sa iba? Pero teka. Sabi nya ayaw nyang mahulog sakin kasi nga ipapakasal na sya sa iba. So that means...

"Nahulog ka na sakin, tama?"

"O-oo"

"Pwede naman kitang ipaglaban eh. Kaya kitang ipaglaban. Mayaman ba yung lalaki na yun? Mayaman din naman kami ah."

"Pero Lance, hindi na talaga pwede eh. Naka ayos na ang lahat sa kasal namin. Hinihintay na lang na mag 18 ako. at alam mo namang malapit na yun diba? alam mong mas matanda ako sayo ng mahigit na isang taon. tsaka isa pa, pagkagraduate natin, ipapadala na ko nila Papa sa U.S. dun na ko titira for good. Dun din gaganapin yung kasal namin. Sorry talaga" umiiyak nya ng sabi at tatalikod na sana sya ng bigla ko syang higitin at halikan.

Bigla nya akong sinampal nung maka kawala sya sa halik na iyon.

"Bakit mo ba ginawa yun ha?! Ano bang karapatan mong halikan ako?! Sa ginawa mong yun, binigyan mo lang ako ng dahilan para ituloy ko na yung kasal ko" sabi nya habang panay ang pagtulo ng luha nya sabay talikod sa akin.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon