Ang Diary ni Enemy ☜ • 3rd Page •

115 2 0
                                    

"Pssst Snow! Oyy Gising na..!" ........

Tsss.. ang ingay naman.

"Snow~ Snow~" ......

"mmmmppphff.." - me

"Gising na Snow.." alam ko na si Emma to. ang hinahon ng boses eh.

"Mamaya na..." I managed to say.

*SILENCE*

Haaay salamat at makakatulog uli ako.. (*¯︶¯*)

" CATHLEIA SNOW HIGUCHI! GIGISING KA BA DIYAN O GUSTO MO MUNANG MALIGO NG ISANG BALDENG TUBIG ?! "

"Eto na, Eto na! Tsss.. Grabe ka namang sumigaw Margo! Pati patay siguro gigising sa sigaw mo eh!" ako

"Opo mahal na prinsesa.. Bumangon na po kayo at maligo kasi may pupuntahan po tayo *roll eyes*" Margo

"Tsss... Umalis ka na nga!"

at binato ko siya ng unan at nasapul naman ang mukha niya.

"Hahaha! The look on your face Marge, PRICELESS!" at tumawa ako hanggang pagpasok ko sa banyo.. Knowing Margo, alam kong hindi yan papatalo--

"Humanda ka sakin mamaya Snow! I will make you suffer for th--"

"Yeah, yeah. Whatever. I'd be honored to..." sinabi ko yan sa kanya gamit ang mapang-asar kong boses at nag curtsey..

Hahahaha! Kung nakita niyo lang ang itsura ni Margo ang pula pula! Pikon kase yun eh..

*Hours Laterr*

"Chao Fan lang yung akin" ako

"Mine is Orange Chicken" Hannah

"Chicken Lauriat.." Arielle

"Wanton Mami" Emma

"Okay.. Chicken Lauriat din yung akin.. Order muna ako ha?" Margo

Alam niyo naman siguro kung nasaan kami? San ka pa ba nakaka-order nang Chao Fan?

"Oh. Eto na yung mga order niyo mga senyorita.." dumating na si Margo dala-dala yung tray na may mga order namin...

"Chicken Lauriat para sa amin ni Arielle... Wanton Mami para kay Emma, Orange Chicken para kay Hannah, at Chaofan para kay Snow." Margo

"Thanks Marge.." ako

"No Prob! Ako naman ang nag-aya kaya dapat lang na gawin ko 'to..." Margo

"Hmmm... that reminds me.. Bakit pala tayo nandito? Alam kong hindi natin pinunta ang MOA para kumain lang sa Chowking.." alam ko kasing kuripot tong mga ito kahit maraming mga pera..

Nag exchange glances naman silang apat.. At sa mga tingin palang nila sa akin at sa isa't-isa alam ko nang may tinatago sila...

"Uhhmm... Kasi Snow..." Arielle

"Spill it" ako

"Well..." Hannah

Nakikinig ako ng maigi sa sasabihin nila at nang nagsink-in ang nais nilang gawin ay agad akong humindi..

"WHAT??! NO WAY! NEVER, YADA YADA!"

I AM SO NOT LETTING THEM DO THIS T_T

ㅡㅡㅡ Salon ㅡㅡㅡ

"Oyy bakla i- curl mo yung dulo ha? Yung medyo wavy lang.." Arielle

"Oo... At lagyan mo din siya nang bangs!" Margo

"Snow, Babalik lang kami dito mamaya para sunduin ka " Hannah

"Bye Snow!" Emma

"Tsss. K bye.." ako

Alam nyo ba ang ginawa nila sakin?

Malamang hindi ko kasi nakwento.. Kaya nga may Flashback noh?

*FLASHBACK*

"WHAT??! NO WAY! NEVER, YADA YADA!" me

"C'mon Snow! Don't be a Sore Sport! Huwag KJ! Para rin naman to sayo ehh" Hannah

"No way! Ayaw ko kaya! Alam niyo naman na hindi ko hilig yan diba?" ako

"Sige na... Libre lang naman eh..." Margo

"Kahit na! Ayaw ko talaga! Hindi ko gusto pakulutin ang buhok ko at lalo ng ayaw ko ng bangs!"

"Guys, wag niyo nang pilitin si Snow kung ayaw niya.." Emma

Haaay Salamat at may nakakaintindi pa sakin!

"Oo nga... Wag natin siyang pilitin.. Sayang nga lang... Balak ko sana siyang librehin ng Maraming Chocolates at Bilhan ng gusto niyang stuffed toy sa Blue Magic kung papayag siya sa make-over na gagawin natin. Haaay..." Arielle

Libre?

Chocolates?

Blue Magic?

Stuffed toy????

*Q*

"Uhmm... ngayon na ba?" ako.

Nagkatinginan silang apat at nag- hi five

Tumingin sakin si Arielle at nag smirk

Tsss. My Bestfriend knows me too well -_-#

*Flashblack Ends*

Mga isang oras na ang lumipas at sa wakas! Natapos na rin ang bakla sa pag murder sa maganda kong buhok.. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko dahil sa mahiwagang bangs na nakatakip sa mukha ko.

Ajujuju... Bakit ba kasi ako pumayag? Ah oo.. Dahil pala sa Chocolates at Stufftoy *Q*

Eh sa gusto ko nang mga yun! Childish na kung childish! -3-

"Sige alis na po ako kuya..." Ako

Hindi ko na hinintay na yung apat pa ang pumunta dito..Baka nawili si Hannah kaka- shopping at malimutan nilang nag-eexist pa ako sa mundong ibabaw -_-

At kung nagtataka kayo, kina Margo yung salon kanina.. Meron na silang over 100 branches sa buong Asia...

Mayaman kase. Tsk tsk.

Teka..

Nasaan na ba ang apat na babaeng mga yun?? Matext nga..

***************************

[ To: Bhessy Arielle; Bhabes Hannah; Labxx Margo; Emma Moo ]

Where arth thou fine maidens?

************END************

Nagsimula na akong maglakad habang hinihintay ang reply nila..

"Tsss. Nakakabad-trip naman ng bangs na to!! Hindi ako nakakakita! Idagdag mo pa yung poor eyesight ko. Psssh"

*Gusto ko.. Gusto ko.. Gusto ko sanang sabihin sa iyo..

Pero Paano? Paano? Pag malapit kay nauutal ako

Nahihiya

Tumitiklop

Nawawala bigla ang sasabihin k--*

"Sila na siguro to..." ako

Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang cellphone para sagutin ang tawag nang may nabangga ako..

"Sorry po..." sabi ko sa kanya... Hindi ko nakita yung mukha niya dahil minadali kong sagutin ang tawag at naglakad uli.

"Hello Emma? Nasan na kayo?"

"Snow, Punta ka dito sa tapat ng Blue Magic.. Hinihintay ka na namin dito" Emma

"Osige papunta na ako diyan.. Bye Moo.." ako

"Bye bye Moo.." Emma

STUFFED TOYS HERE I COME!!!!

Ang Diary ni EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon