Bahaghari

12 0 0
                                    



Tila bago sa lipunan kaya laging napag iinitan

sarisari man ang kulay ang mga tao'y pilit silang pinagtatabuyan


wala sa harap wala sa likod nasa loob mo kung tatanggapin mo ng buo

kahit bumuhos man ang ulan ikaw at ikaw lang ang iintindi kung ano ang kinalabasan


mahirap ipatindi sa mga sarado ang isipan kung ano ang kanilang kalagayan

kahit pa ikut ikutin mo daw ganon at ganon parin silang isinilang 


mapait man ang nalulunok may pakiramdam parin sila kahit papano

kahit na nabubugbog ginawa nalang kolorete ang itim nito sa sulok


malayo na ang narating nila hindi pa ba natin hahayaan na maging masaya sila

malapit na makamit ang hinahangad nila tara iha tayo na't rumampa


Sari sari man ang kulay nila pero sila ay iisa at walang makakapigil sa kanila

Respeto lang sana sapat na sakanila 


Mahalin nang mahalin tila liliwanag din ang mga ulan na ipinarasan sa atin

bigkasin nang bigkasin tila mag kakatotoo ang ating hinihiling 


FOR THE FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon