Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, tinatanong ko sa sarili ko na bakit ba ako nagmahal ng taong hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin. Ang tanga tanga ko kasi, umasa pa ako. Nag-assume ako kaagad, hindi ko man lang naisip na baka sa kaniya wala lang yun, umasa ako na pwede kami eh. 'Yan tuloy, nga nga ako.
"Nath! Halika na, male-late na tayo sa school," sigaw nang lalaking naging dahilan kung bakit ako ganito ngayon, si Drew, ang kababata ko.
Pinunasan ko ang luha ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ibig sabihin nasasaktan pa rin ako, ibig sabihin umaasa pa rin ako.
"Sige! Hintayin mo ko, pababa na ako." ang sigaw ko pabalik. Kinuha ko na yung bag ko, dinala ko rin si August, yung favorite guitar ko. Music major kasi ako, Drew naman Business Management, pareho sila ni Bree, girlfriend ni Drew.
"Sorry kung natagalan, inayos ko pa yung gamit ko eh," sabi ko sa kaniya.
"Ikaw talaga napaka-bagal mo kumilos," sabi niya sa akin habang ginugulo niya yung buhok ko.
"Yah! Ano ba, kakasuklay ko lang eh," inis na sabi ko. Pero hindi talaga ako naiinis, sa totoo lang masaya ako kasi kasama ko siya ngayon.
"Maganda ka kahit magulo ang buhok mo, Nathalie," pabirong sabi niya sa akin, naka ngiti siya sa akin.
Naging abnormal na naman ang pagtibok ng puso ko, dahil sa mga ngiting 'yun, sa pagtawag niya sa akin ng Nathalie, at pagsabi niya sa akin ng maganda. Iilan lamang yun sa mga rason kung bakit ako nahulog sa kaniya.
"Huwag mo nga akong tawaging Nathalie!" sigaw ko. Dahil mas minamahal kita kapag ginagawa mo iyon, gusto ko sanang idugtong iyon kaso wala akong lakas ng loob.
"Sorry na Naths! Tae. Halika na nga, malapit na tayong ma-late," pag-suko niya.
UNISON COLLEGE
"Babe!' tawag nang isang babae kay Drew. Lumapit siya papunta sa amin, hindi maipagkakaila na maganda siya. Matalino rin, mabait at lahat, kaya okay lang sa akin kung sa kaniya mapupunta si Drew.
"Sorry Babe kung medyo late kami, traffic kasi eh," sabi ni Drew habang inakbayan niya si Bree.
"Okay lang 'yun Babe, kakarating ko lang din naman eh. Hi Nath!" bati niya sa akin.
"Hi Bree, anyway una na ako sa inyo ha? Baka kasi ma-late na ako sa first subject ko eh," palusot ko sa kanila, matagal pa naman talaga yung unang period eh. Hindi ko lang talaga matagalan yung mga nakikita ko, yung makitang may ibang kasama yung taong mahal mo. SHET lang!
"Sige, ingat ka Naths ah," sabi ni Drew.
"Sige, kayo din." tugon ko.
Naglalakad lang ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta kahit saan. Kahit saan malayo sa kanila, kahit saan basta hindi ko sila makikita, kahit saan...
Napadpad ako sa Labyrinth garden ng school namin, walang ibang tao kung hindi ako lang. Minsan din ay nagpupunta akong mag-isa dito kapag gusto kong mag-isip tungkol sa mga bagay bagay, lalo na tungkol kay Drew. Hindi naman masyadong nakakaligaw yung maze kaya napuntahan ko kaagad yung fountain sa gitna, ang peaceful talaga sa lugar na 'to.
Umupo ako sa Bench malapit sa fountain, kinuha ko si August at yung diary ko. May tinatapos kasi akong kanta, at so far first verse pa lang at chorus ang nagagawa ko. Nag-strum na ako at sinabayan ko na sa pagkanta,
Drew looks at me, I fake a smile so he won't see
That I want and I'm needing Everything that we should be