ABOUT THE BABY
Alexus POV:"Good morning Ma," I greeted my mother as I entered the kitchen to have my breakfast. I also kissed her on her cheeks.
"Good morning too Hijo, how's your sleep?"
"Mabuti naman po," tipid kong sagot.
"Good morning Pa," si Papa naman ang binati ko na abala sa binabasa niya.
"Good morning," bati din ni Papa sa akin pabalik ng hindi manlang inaalis ang kaniyang tingin sa diyaryong hawak-hawak niya.
"Let's eat honey, mamaya mo nalang ipagpatuloy 'yang pagbabasa mo." Mabilis namang sumunod si Papa sa sinabi ni mama.
"Alexus napag usapan kasi namin ng Papa mo na kung pwede bigyan mo na kami ng apo-"
Sunod-sunod ang naging pag ubo ko matapos akong masamid sa iniinom kong kape.
"Okay kalang hijo?"
"Careful son!"
"Ma! Pa! Ano ba naman kasi 'yang pinagsasabi niyo? Muntik na akong mamatay dito oh!" Hindi ko makapaniwalang sabi sa kanila.
"Patay agad 'nak?"
"Ma naman!"
"Seryoso kami anak, hindi na kami bumabata ng mama mo. Gusto na namin ng apo sa lalong madaling panahon."
Tila seryoso nga sila sa hinihingi nila sa akin. Pero paano ko naman gagawin 'yon kung hindi pa handa ang girlfriend kong si Nicole na magpakasal sa akin?
I already proposed to her three times, pero hindi pa raw siya handa at wala akong magawa kundi ang maghintay hanggang sa maging handa na siya.
"Ma, Pa, alam niyo namang busy si Nicole. Look, my girlfriend is an international model. Kahit magpakasal kami hindi pa kayo namin mabibigyan ng anak,"
"That's our point hijo, kung ayaw kang pakasalan niyang girlfriend mo then find someone who's ready to settle with you."
"Ma naman, kung sabihin niyo sa'kin yan parang ang dali-dali ah? Mahal ko po si Nicole at handa akong maghintay sa kaniya, kahit gaano pa katagal."
"Alexus, naririnig mo ba 'yang sarili mo? Si Nicole ay hindi materyal wife, puro ambition ang babaeng iyon. Wala kang aasahan sa kaniya!"
"Pa, nasa tamang gulang na po ako. Alam ko kung anong ginagawa ko. Hihintayin ko si Nicole, siya lang ang babaeng gusto kong maging ina ng magiging anak ko."
Ayoko nang paabutin pa sa kung saan ang walang kwenta naming usapan ng mga magulang ko. Kaya bago pa ako makapagbitaw ng kung anong mga salita ay mabilis na akong tumayo sa hapag kainan.
"Saan ka pupunta?" Pigil sa akin ni Mama.
"Magpapalamig lang po,"
"Seryoso kami ng Papa mo hijo. Sa ayaw at sa gusto mo bibigyan mo kami ng apo. Binibigyan ka namin ng pagkakataon para humanap ng babaeng handang magbigay sa'yo no'n. Kumbinsihin mo 'yang girlfriend mo or else..."
Naikuyom ko ang aking dalawang kamao dahil sa mapagbantang tinig ni mama. Parang wala na nga ata akong ibang choice kundi ang papayagin si Nicole na magpakasal sa akin para makagawa na kaagad kami ng-ugh! Lintik na baby 'yan!
"-or else mapipilitan kami ng Papa mo na ipakasal ka sa anak ng kumpare niya."
Ako magpapakasal sa anak ng kumpare niya? Alin, yung babaeng higad? Fvcking no!
"No! Hindi niyo gagawin sa akin 'yan!"
"Try us son,"
Ano ba kasing klaseng kaluluwa ang sumanib sa katawan ng mga magulang ko para hingan ako ng anak ng agad-agaran?
BINABASA MO ANG
Million Dollar Baby (COMPLETED)
RomanceDesperado na ang mga magulang ni Alexus na magkaroon ng apo, kaya naman hahantong ang binata sa pagbabayad ng isang milyong dolyar sa babaeng makakapagbigay ng anak sa kaniya. -- Book cover by: @jeeventricus Date started: March 25, 2020 Date finishe...