I'LL MARRY YOU
Alexus POV:"What's up, bro?" Si Calvin ang unang bumati sa akin.
"Himala at napadaan ka ngayon?" Sunod na sabi naman ni Dylan.
"What's with your looks?" Si Felix, na alam kong nababasa na naman niya ang problema ko.
Kagaya ng nakagawian, tuwing may problema ako ay dito ang unang takbuhan ko.
"Ang hirap niyang papayagin," frustrated kong sabi.
"Oh,"
"Why?"
Sa kanilang tatlo talaga, itong si Calvin at Dylan ang mausisa tapos puro pang iinis lang naman mabuti sana kung nakakatulong sila, diba? Psh!
"That's what I've told you Alexus, para ma challenge ka." Seryosong sabi ni Felix.
"She hate me now. Sabi niya pa, huwag na daw akong magpapakita sa kaniya. We're done,"
"Wala ka pala!" Mapang asar na sabi ni Calvin, dagdagan pa ng malakas nilang tawa ni Dylan.
"Alam niyo? Napakalaking tulong niyo talaga sa'kin." Inambahan ko sila ng hawak kong bote.
"Opps, chillax 'to naman napaka seryoso oh!" Napaatras silang dalawa dahil sa ginawa ko. Lalo na si Calvin na malakas mang asar.
"Akin na nga 'yang hawak mong bote, makabasag ka pa dito sa bar ko e," mabilis na kinuha ni Dylan ang hawak kong bote at inilayo iyon sa'kin.
"Ano ba kasing ginawa mo?" Seryosong tanong ni Felix.
"Sabi niya kasi, papayag daw siya sa hinihingi ko kung papakasalan ko siya."
Natigilan naman silang tatlo sa sinabi ko. Nanatili silang nakikinig sa akin na tila isang kapana-panabik na eksena sa isang palabas ang pinapanood at pinapakinggan nila.
"Bakit ko naman 'yon gagawin diba? May girlfriend akong tao, at mahal ko si Nicole." Dagdag ko.
"Mahal ka ba?" Biglang sabat ni Calvin.
"Calvin, mananahimik ka o ipapatapon kita sa labas?" Saway sa kaniya ni Dylan.
Napaisip naman ako sa banat ni Calvin. Mahal nga ba ako ni Nicole? Oo, syempre mahal ako ni Nicole. Aabot ba kami ng tatlong taon kung hindi?
"Bakit ano ba'ng klaseng babae itong si Sofia?" Kuryosong pagtatanong ni Dylan.
"Oo nga, kung ilarawan mo kasi siya, sobrang kakaiba siya. Ipakilala mo naman siya sa amin oh," biglang sabat naman ni Calvin.
"Ikaw talaga Calvin, puro ka kalokohan ano?" Naniningkit na sabi ni Felix sa kanya, kasabay no'n ay ang pagbatok pa ni Felix kay Calvin.
"Aray naman!" Reklamo ni Calvin habang kinakamot ang ulo niyang binatukan ni Felix.
"Bakit niyo sa'kin tinatanong? Wala naman akong pake sa kung anong klaseng tao siya. Basta ang alam ko, napaka hardworking niya kahit na hindi siya natatanggap sa trabahong ina-applyan niya, araw-araw parin siyang naghahanap ng trabaho. Mahal na mahal niya ang mommy niya, siya din yung babae na napaka advance mag isip, isipin niyo nga—"
"Baka nahuhulog kana sa kanya niyan, ha?" Sinamaan ko ng tingin si Dylan dahil sa hindi na nga maganda yung sinasabi niya ay sumasabat pa talaga siya.
"First, she accused me of being a killer, miyembro ng sindikato, at kung ano-ano pa," pagpapatuloy ko.
"Hahaha! I already like her," todo ngiting komento ni Calvin.
"Can't wait to meet her." Segunda naman nitong si Dylan.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Baby (COMPLETED)
RomanceDesperado na ang mga magulang ni Alexus na magkaroon ng apo, kaya naman hahantong ang binata sa pagbabayad ng isang milyong dolyar sa babaeng makakapagbigay ng anak sa kaniya. -- Book cover by: @jeeventricus Date started: March 25, 2020 Date finishe...