"Manhid"

363 7 2
                                    

Hindi mo aakalain na nasasaktan ako,

Hindi mo aakalain na nalulungkot ako.

Laging masaya , 'yan ang akala mo,

Kasi para sa iyo nagbibiro lang ako.

Hindi porket' tumatawa,

Ako'y masaya na.

Dahil kadalasa'y di pinapakita,

Ang mga hinanakit na aking dala.

Oo ako'y magaling magpatawa,

Lalo na kung nakikitang 'kong malungkot ka.

Pero alalahanin mo na tao lang din ako,

Na nararanasan lahat ng nararanasan mo.

Hindi mo maipagkakaila,

Kapag nakikita mo kong nakatawa.

Para bang walang problema,

At walang iniintinding iba.

Di mo man ako tanungin,

Marapat mo lang damhin.

Lahat ng gusto kong iparating,

Sana nama'y iyong intindihin.

Dapat mo lang malaman,

Na ang pagiging manhid ay walang patutunguhan.

Marapat na magkaroon ng pakialam sa iba,

Dahil iisa lang ang sa atin ay lumikha.

Kahit saang dimensyon mo tignan,

Dapat mo din namang matutunan.

Na intindihin ang damdamin ng iba,

Sapagkat tayo'y pantay pantay lamang sa paningin niya.

--*

End Sana may lesson na na-share sa inyo . :))))

"Manhid"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon