Zanelle's (Point of View)
"Baby waiiiit" sigaw yan ni Mama may nakalimutan yata.
" Baket po ?" tanong ko.
"Eto oh nakalimutan mo" sabi niya at inabot sakin yung dala niya.
" Ano po yan? " tanong ko ulit.
"Lunch box. Ano kaba naman anak lunch box lang hindi mo pa alam ? "
"Ma ang ibig kong pong sabihin eh kung para saan po yan?" si Mama minsan may pagka'slow din.Buti hindi ako nagmana sa kanya.Hihi
"Eh di lagayan ng pagkain.Diba first day of class niyo ngayon? Baon mo to para magkaroon ka man lang ng laman." si Mama nang'insulto pa. Hindi naman ako payat ah.Sexy ko kaya diba nga?
"Ma hindi na po ako bata para magdala pa ng ganyan."
"Baket bata lang ba ang nagdadala ng ganito?Nung bata ka nga gustong gusto mo magdala ng ganito tapos may design pang barbie.Ngayon ayaw mo na?"
"Hindi naman po sa ganun.4th year na po ako nakakahiya naman po sa mga classmates ko kung magdadala pa po akong ng ganyan."
"Ayieh ang baby ko dalaga na.Siguro may crush ka na no?" sabi ni Mama with matching kiliti pa sa tagiliran ko.Lakas maka'PBB teens nang aking ina eh. ^_^
"Ma wala pa po sa isip ko yung mga ganyang bagay." wala pa talaga sa isip ko ang magboyfriend or whatever dahil nandiyan lang naman yan.Gusto ko munang makapagtapos ng pag'aaral para matulungan ko si Mama.Lalo na ngayong may pasok na naman sa school siguradong mag'dodoble kayod na naman si Mama para sa pagkain at pambaon ko.Kaya proud na proud at napakaswerte ko dahil mayroon akong inang mabait, masipag at syempre magandang katulad ko sa kanya ako nagmana eh (hangin ba?^_^) pagbigyan niyo na POV ko naman to eh.
Idol ko si Mama dahil mama ko na siya tapos tatay pa diba.
"Sige po Ma, alis na po ko.Baka ma'late na po ako, Bye" paalam ko sa kanya.
"Sige anak kainin mo yang baon mo ha.Masarap yan niluto ko yan para sayo."
"Opo"
"Wala ba kong iloveyou diyan?"
"Syempre meron po.Makakalimutan ko po ba naman yun...I Love you po Mommy.Ingat po kayo"
"I love you too.Mag'iingat ka din ha.Wag munang magboyfriend ha.Crush lang." Haha si Mama talaga.
"Opo."
"Ay Zei wait lang" pahabol ni Mama
"Baket po ?" takang tanong ko.
"Yung kiss ko nakalimutan mo" yan ang Mama ko sobrang sweet.At makulit pero sobrang bait.
"Uhhhhm mwahhhh"
"Bye Ma"
"Bye Anak" umalis na ko.Naglalakad lang ako papuntang school walking distnace lang naman kasi.
Hmm. Nga pala hindi ko pa napapakilala kung sino ako.
Ako nga pala si Zanelle Fernandez.16 years old and 4th year highschool. Sa public school ako nag'aaral hindi naman kasi kaya ni Mama sa private dahil hindi naman kame mayaman si Mama na lang ang nagtataguyod sakin.Kasi sabi ni Mama wala na daw si Papa namatay daw nung bago pa ko ipanganak.Kami na lang ni Mama ang magkasama dahil only child lang naman ako.Minsan naaawa ako kay Mama dahil ginagawa niya ang lahat para magkaroon lang ako ng pambaon sa school.Alam kong medyo nahihirapan na siya.Pero hindi niya lang pinahahalata.Kaya bilib na bilib ako sa kanya.Ang tapang tapang niya kahit wala na si Papa sa tabi niya.Enough muna ang kadramahan.Chapter 1 pa lang may drama na agad :D
Yun physical appearance? syempre maganda ako ang bida sa kwentong to eh. Mabait ako no.
"Hey miss angkas ka na" napatigil ako sa pagmumuni dahil may kung sinong nilalang ang bigla biglang nagsalita sa likuran ko.Panira ng moment eh.Humarap ako sa kanya.
"Sino ka-" hindi ko na naituloy yung saaabihin ko dahil hindi sapat ang salitang gwapo para idescribe ang itsura ng lalaking nasa harap ko ngayon.
(A/N: Bitin heheh
Shareeeeeeee
Commentttt)
BINABASA MO ANG
The Way To Your Heart
Novela Juvenil---------- What if a girl met a boy in an embarassing situation ? And years passed they meet again ? ***** And that girl was a NBSB (No Boyfriend Since Birth) at si boy na hobby na ata ang manloko ng mga babae. What if magkasalubong ulit ang landas...