Prologue

43 3 1
                                    


Warning:This story cannot be plagiarize,printed,soft copy,and posted at your timeline without the prior permission of the rightful author.

Paalala:Ang istoryang ito ay hindi pwedeng kopyahin at i-print o i-post sa inyong mga timeline/account nang walang pahintulot ng may-akda.

Ps,no bashing at all.

Ps,walang magaganap na panlalait.

______________________________________

     Sabi nila mahahanap mo raw ang taong matagal mo nang hinahanap-hanap,yung taong matagal mo nang hinihintay ay matatagpuan sa pagitan ng lupa at tubig.Nakaupo sa buhangin habang tinatanaw paglubog ng araw,hinihintay ka baka balang araw darating at darating ka ngunit nagkataon na aalis siya at dadating ka.Tadhana nga naman.

“Allistair!Kanina ka pa diyan’ nakadungaw,halikana baka hindi tayo maabutan ng last trip ng bus”niyaya ni Hermione,kaibigan ni Allistair na umalis na sila ng ‘Isla La Vista’ patok ito na tourist spot sa mga turista sa Surgiao.Tumayo na si Allistair pero hindi parin maialis ang paningin sa dagat,

“Hoy!Allistair!Halikana!”nawala ang kaniyang paningin sa dagat hindi niya pala namamalayan na hinihila na siya ng kaniyang kaibigan na nakakapit ng malakas sa kaniyang braso upang hatakin siya.

      NASA bus na sina Allistair at ang kaniyang kaibigan nasi Hermione,malapit sa bintana nakaupo si Allistair at katabi nito ang kaniyang kaibigan nasi Hermione na bukam-bibig,“Sa susunod sana natin’ bakasyon rito,Ali.Sana makapunta rin itong BF kong si Ivan kawawa naman yung bulsa ko,I booked three tickets kaya”reklamo ni Hermione at napakrus ang kaniyang kamay habang nakabusangot ang mukha pero ang kaibigan niya ay nakadungaw parin sa bintana ng bus“Bes?Kanina ka pang tulala diyan.Anong problema mo?”napalingon si Allistair sa kaniya at tipid itong ngumingiti.

     “A-ah wala naman.Tinatanaw ko lang kasi yung view sa labas,a-ang ganda kasi eh.Nakakamangha”tanging sagot nito at ibinaling ulit ang paningin sa labas ng bintana ng bus na parang may malalim na iniisip.

     SA Isla La Vista malapit sa dalampasigan,may lalaking matipuno at gwapo na nakaupo sa buhangin pantay ang kaniyang paa at ang mga palad nakatukod ito sa kaniyang likuran upang magsilbing bumalanse sa kaniyang timbang at tinatanaw ang alon sa dalampasigan kasabay ng paglubog ng araw,“Sana makita na kita”bulong nito sa sarili.

      Ang panalangin ng binata na ang matagal niya nang hinihintay na babae ay makita niya na at maitatapat ang kaniyang wagas na pag-ibig ngunit sa pag-aakala ay ‘sana’ lang ang lahat,matagal na siyang naghihintay.

     Natutulala siya habang tinatanaw ang alon sa dagat,inaabangan niya palagi ang paglubog ng araw,paminsan nga natutulog pa siya sa buhangin buti nalang kapag nagkataon na low tide ito o mababa lamang ang lebel ng tubig.Ihahagis niya sana ang singsing ngunit pinigilan siya ng matandang babae,“Hijo,Wag!Mahal ang singsing na iyan!Milyones ang halaga niyan!”

      Tama ang matandang babae,pero,hindi lang milyones ang halaga nito dahil mas mahalaga pa ito sa milyones,ala-ala nito para sa kaniyang minamahal na babae ganito kahalaga ito para sa binata.Lumingon ang binata at ang singsing ay kinuyom nito,tumingin siya sa matanda.“Sawa na po ako sa kakahintay!gusto ko nang pakawalan ang sarili ko sa malubhang kalungkutan na dulot ng aking minamahal na babae”nagpipigil siya na lumuha dahil gusto niya ipakitang malakas siya at matatag na humintay.

     “Aba eh,walang lunas ang sugat sa damdamin hijo,teka,teka,bakit mo pala gustong kumawala sa kaniya?”tanong ng matanda,umupo siya sa buhangin at umupo rin katabi niya ang binata“Ano nga pala ang pangalan mo hijo?Ba't ang lungkot mo?Alam mo bang madalas kitang nakikita rito na umuupo sa dalampasigan?”hindi umimik ang binata dahil nakamasid ito sa dagat,humalakhak naman yung matanda at napalingon sa kaniya ang binata.“Ano?Tinatanong kita hijo”

    “A-ah pasensya na po Lola,Glen po ang pangalan ko”sagot ng binatang si Glen,sambit nito sa kaniya habang tumitingin sa naglilipadang ibon sa langit.

     “Alam mo hijo,minsan wag kang padalos-dalos sa pagdedesisyon minsan kasi yung tama nagiging mali at yung mali. . .”napatingin ang binata sa kaniya,“. . .ay nagiging tama,pero,depende sayo minsan kasi ang mga tao nagkakamali at nagsisisi sa kanilang desisyon kaya kung ako sayo mag-isip ka ng mabuti”saad ng matandang babae at tinapik siya nito bago umalis sa tabi niya.Napag-isip-isip naman si Glen baka tama nga ang sinabi ng matanda isinuot niya muli ang singsing bago umalis ng Isla La Vista.

Hintay(AS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon