Introducing Mia
Bagong lipat palang ang pamilyang Ramos sa kanilang bagong tirahan. Naaasiwa parin si Mia sa kaniyang bagong mundo. Nakasanayan na rin niya kasi na ang gumigising sa kanya ay tilaok ng kanilang manok sa kanilang bakuran. Tuwing umaga ay pinapakain niya ang kanilang mga alagagang hayop para bang hindi mabubuo ang araw niya kung hindi niya magawa ito. Ngunit ngayon... wala ng tilaok na gigising sakanya. Wala na ang mga hayop na kaniyang pinapakain araw-araw. Wala na rin siyang binabati ng magandang umaga sa tuwing bibili siya ng almusal sa tindahan na kaharap ng kanilang bahay. Dahil ngayon... isa na siyang city girl... nakasanayan na niya na kapag naglalakad siya papuntang parke ay puro puno't halaman lang ang nakikita. Ngunit ngayon... sari saring uri ng tao... sasakyan... at mga buildings...
Simpleng babae lang naman si Mia. Pulbos lang, okay na. Masayahin kahit na hindi kumpleto ang pamilya niya. Sira ang pamilya... pero di niya pinapakitang nasasaktan parin siya sa pagkakahiwalay ng kanyang magulang. Malinis sa katawan. Matalino ngunit tamad mag-aral. Tamad siya sa lahat ng bagay. Makulit at Madaldal. Mataba ang pisngi. May kaliitan. At mahaba ang buhok. Hugis puso ang kaniyang labi. Hindi gaanong matangos ang ilong at natural na kulay brown ang kaniyang mga mata na naman niya pa sa kaniyang Tatay. Walang alam sa pag-ibig... wala sa isip niya iyon. Ngunit may gusto siyang lalaking nagngangalang Jayson ngunit wala sa isip niya na maging kasintahan ito... Pero ano nga ba ang dulot ng paglipat ng pamilyan Ramos sa isang Siyudad? Ito ba ay mapapabuti o mapapasama? Subaybayan ang kwento ng ating bidang si Mia Ramos.