Lalaking Matangkad

12 0 0
                                    

Gumising si Mia ng maaga upang hindi malate sa kaniyang klase... second day of school palang niya kasi. Gusto niyang mapanatili ang good record niya since elementary- no late. Naninibago parin si Mia sa kaniyang bagong tahanan dahil masiyado itong malaki para sa kanilang tatlo. Naninibago din siya dahil din mayroon na silang mga katulong sa bahay. Ngunit hindi ito inalintana ni Mia, dahil kahit may Yaya na sila... e, siya padin ang naghuhugas ng pinggan...

Natapos na ang daily routine ni Mia ng mapag-desisyonan ni Mia na pumasok na sa kaniyang paaralan. Mas gusto niyang lakarin ito... para naman maging pamilyar siya sa mga daanan.

Madaming sasakyan. Puro usok... air polluted kung baga. May nakikita din siya na mga estudyanteng kapwa na naglalakad. Lakad lang siya ng lakad. Di niya alam na naliligaw na pala siya. Lumiko siya sa isang eskinita ng biglang may humawak sa balikat siya. Malamang... nagulat si Mia. Nilingon niya ito.... ito ay isang lalaki na matangkad. Hindi ito gwapo pero cute. Matangos ang ilong at mapula ang labi... teka wait? Ba't ko ba siya dine-describe? Pwe. Nagsalita ang matangkad na lalaki... at sinabi kay Mia na, "Oy, bata. Magka-cutting ka ba? Di naman jan daanan papuntang school, ah?" Sabi ng lalaki kay Mia. Hindi rin naman kasi alam ni Mia ang daanan... nagma-marunong lang siya. Nginitian nalang niyang peke ang lalaki dahil bwisit na bwisit siya dito... biruin mo ba namang tawagin siyang bata? Nagsalita ulit ang lalaking kumalabit kay Mia, "Oy, bata. Ano? Di ka na sumagot jan.. alam ba yan ng nanay mo?" Sabay tawa nito habang ginawang arm chair ang ulunan ni Mia... nabwisit lalo si Mia... pangalawang beses na siyang tinawag na bata nito at pinatungan pa ang ulo nito ng kamay niya... "Alam mo... hindi ako bata. So, please... leave me alone! Will you? At for your information hindi ko po kasi alam ang papuntang school. Hindi ako cutting, okay? So if you'll excuse me... tsaka ba't ba ko nagpapaliwanag sayo? Sino ka ba ha?" Mahabang litanya ni Mia sa lalaki at nag walk out.

Diretso lang ng diretso si Mia ng lakad. Hanggang may humawak na naman ng balikat niya at sinabing, "Ang kulit mong bata ka... hindi nga jan ang daan. Kulit mo ah.. tirisin kita jan eh. Tsaka ba't mo tinatanong kung sino ako? Crush mo ko?" Hindi nalang pinansin ni Mia ang lalaki bagkus nagpatuloy lang siya sa paglalakad... hanggang may umakbay na sakaniya. Hindi hawak sa braso ah? Akbay talaga. Inakbayan siya ng lalaki. Matangkad ito kaya madali niyang ma-akbayan si Mia dahil sa liit nito. At sinabing, "Alam mo, bata.. ang taray mo. Male-late tayo niyan eh. Tara, this way.." Pinabayaan nalang ni Mia na akbayan siya ng lalaki dahil hindi din naman siya mananalo dito. Kahit ilang na ilang siya. Namiss niya tuloy si Jayson. Ang crush slash bestfriend niya.

Tinanggal agad ni Mia ang kamay ng lalaking naka-akbay sa kaniya sabay takbo sa gate ng school. Narinig niyang tinawag siya nito ng hoy pero di na siya tumingin di naman hoy pangalan niya eh. Pag kapasok na pagkapasok ni Mia sa classroom nila agad niyang hinanap si Rhea. At agad din naman niya itong nakita. Nginitian naman siya ni Rhea at sinabing, "Buti naman nandito kana. Hehe." Sabi sakanya ni Rhea, naamoy niya naman ito na parang amoy usok, "Oo nga eh. May epal lang kasi kanina. Alam mo Rhea, amoy uso ka.. no offense pero seryoso." Natawa naman si Rhea sa kaibigan, "Syempre.. alam mo.." Naguluhan si Mia kaya di niya nalang pinansin.

Dumating na din ang kanilang guro at tinawag si Mia. Nagulat pa nga siya dahil wala naman siyang ginagawang masama. But then, lumapit din naman siya agad. Kinausap lang siya nito at hinatid sa isang classroom. May guro doon at kinausap siya. Sinabi nito na kung okay na daw ba siya sa section na kinabibilangan. Um-oo lang si Mia. At bumalik na si Mia sa dating classroom. Gusto kasi nung teacher kanina na lumipat siya doon sa classroom na pinuntahan niya.. but she insist mas okay na daw sa room na pinasukan niya. Tinanong agad ni Rhea ang nangyari... wala naman siyang sinabi. Ngunit ngumiti lang siya.

Adventures of Mia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon