Ginising si Mia ng kaniyang Ate sa kadahilanang ie-e-enroll daw ito sa bago nitong paaralan. Namiss niya tuloy ang kaniyang dating iskwelahan.. ang kaniyang Alma Mater noon... 2nd Quarter na kasi... at siya'y kinakabahan... hindi siya mapakali dahil hindi naman niya alam ang mga ugali ng mga tagarito.
Tanghaling tapat ng umalis ang mag-ina... upang mag inquire sa bagong iskwelahan ni Mia. Si Mia ay nasa unang baitang ng kaniyang Middle School. O mas kilala sa tawag na 1st year High.
Pinagbasa lang si Mia ng Guidance Councilor.... at opo, siya'y nilagay sa Last Section. Pwede na daw siyang pumasok ngayon kung gugustuhin niya... ngunit wala siyang dalang gamit kaya't pinapagsiyahan nilang mag-ina na bukas nalang pumasok ang nasabing anak.
Hapon na nang makauwi ang mag-ina... kinakabahan parin si Mia sa kaniyang unang araw sa eskwelahan. Oo, unang araw niyang papasok sa pampublikong paaralan lalo na't dito pa sa Maynila.
Inayos na ng dalaga ang kaniyang gamit para sa pag pasok niya kinabukasan. Excited siya na may halong kaba...
Kinabukasan
Nagpaalam na si Mia sa kaniyang Mama at Ate. Siya lang ang mag isang pupunta sa kaniyang bagong School. Para daw matuto ang dalaga... mainit ang panahon kahit umaga palang.
Hindi sanay ang dalaga sa init dahil sobrang lamig sakanilang dating Bayan. Para siyang mahi-himatay sa sobrang init. Kaya ay dumiretso muna siya sa CR ng School upang maglagay ng pulbo. Nagtanong tanong siya kung saan ang nasabing silid aralan. Ito ay nasa ikatlong palapag ng building. Wow naman... walang elevator. Pero di niya alam ang elevator. Pinapawisan agad siya ng matindi ng umapak siya sa unang hagdan. Ang exagg. ko mag narrate. Pero totoo pinagpawisan agad siya... hanggang sa marating niya ang kaniyang classroom ng hinihingal. Binati niya ang guro.... at lumapit dito. Binigay niya ang kaniyang form sa nasabing guro. Tinanong niya kung tama ba ang kaniyang pinasukan. Hindi niya inalintana ang tingin sa kaniya ng mga istudyante sa nasabing classroom. Nag-ingay ang mga istudyante doon. Tumayo na ang guro upang patahimikin ang mga kaniya istudyante... at para narin ipakilala si Mia.
"Class, Quiet!" Sigaw ng guro upang mapatahimik ito sabay hampas sa teacher's table. Napatahimik naman ang mga studyanteng nagsisigawan. Kinakabahan pa rin si Mia... ipinagpatuloy ng guro ang kaniyang sinasabi, "The girl beside me is a transferee.. She'll gonna attend her first day here in our class. She's just a seat-in, alright? Be nice to her."
Ngumiti nalang si Mia sa mga istudyanteng nakangiti sakaniya. At pinaupo siya ng kaniyang guro sa tabi ng isang babae... payat na payat na babae, maitim at maiksi ang buhok. Kinausap siya nito... "Hi, My name is Rhea. And you are?" Tanong sakaniya sa katabi... nginitian niya ito at sinabing, "Mia. Mia Ramos." Naramdaman parin ni Mia na marami paring nakatingin sa kaniya ngunit di siya nabahala... hindi naman kasi siya mamamatay sa mga titig nito...
Dumating ang kanilang break time... sinamahan siya ng Rhea at pinakilala sa mga kaibigan... madami sakanya ipinakilala si Rhea. Pero di niya na matandaan ang mga pangalan ng ito. At dahil marami talaga. Wala naman siyang pakeelam sa mga ito. Aw, ang hard ni Mia.
Nagulat si Mia sa sinabi ni Rhea, "May gusto daw sayo si Rick. Bestfriend ko. Hehe. Ganda mo, girl." May nagkagusto agad sa kaniya unang araw palang niya? Imposible. E, hindi nila alam ang ugali ni Mia. Sumagot nalang ng ngiti si Mia sa sinabi ng kaibigan. Oo, kaibigan... magkaibigan na sila. Pake mo? Porket first day wala agad friend? Haha, but anyways.... 40 minutes lang ang kanilang break time kaya't bumalik na agad sila sa room.
"Nako, girl... stress na stress na ko. Kailangan ko ng stress reliever..." Nagtaka naman si Mia sa sinabi ng kaibigan. Stressed agad? 2 subjects palang ang lumipas... kaya napatanong agad siya dito, "Stress reliever?" Natawa naman si Rea sa sinabi ng kaibigan. Halatang wala pang kamuang muang sa mundo... sumagot na ito, "Oo... yosi." Nagulantang si Mia sa sinagot ng kaibigan... pero hindi rin kasi imposibleng nagyo-yosi ito, dahil sa taglay na kapayatan at ka-itiman ng labi nito.
Mabilis lang natapos ang unang araw ni Mia sa kaniyang bagong paaralan. Madami na din siyang naging kaibigan dahil kay Rhea. Hindi parin siya makapaniwala na naninigarilyo ang kaniyang kaibigan... come to think of it... babae pa ito. Nakakapanghinayan. Ngunit hindi naman nagbago ang pagtingin ni Mia sa bagong kakila dahil naging mabait naman ito sakanya. Para sakanya maraming nangyari ngayong araw... nagkaroon siya ng mga bagong kakilala. Bagong guro. Bagong eskwelahan. Bagong makakasanayan. Bagong kapaligiran. Kaibigan na may bisyo. May nag confess pa sakaniya na may gusto sa kaniya si Rick unang araw palang niya sa School. Mga estudyanteng pinagtitinginan siya. At alam niya sa sarili niya na umpisa palang ito sa kabanata ng kaniyang buhay....