Untold 3

63 4 0
                                    

JULY 2013

"Winter, Winter, Winter!" Pangungulit ko.

"Ate naman! Mamaya na, maaga pa oh." Naiinis na sagot ni Winter sa'kin.

"Excited kasi ako pumasok ngayon Wint—" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil inunahan ako ni Winter.

"Ate Sammy, 5 palang ng umaga, 8 pa ang klase natin, kaya patulugin mo nalang muna ako, please?" Medyo inis na tugon ni Winter.

May point naman siya, 8 pa naman ang pasok namin... pero excited kasi ako ngayon... hindi na ako makatulog, para bang pinipilit na ako ng sarili ko na bumangon at pumasok na.

'di ko nalang muna ginulo si Winter at baka sungitan nanaman niya ako. Ready na ako pumasok sa school, naligo, nagtoothbrush, nag bihis, at nag ayos na ako ng mga gamit ko.

"Sam, anak, kumain ka na muna dito, maaga pa naman." Pagtawag sa'kin ni mama habang hinahanda ang mga pagkain sa mesa

"Ma, sa school na po ako kakain." Sagot ko.

"Eto talagang anak ko, napakasipag pumasok... baka naman may inspirasyon ka na?" Pang-aasar sa'kin ni mama at biglang ginulo ang buhok ko. Inayos ko pa naman nang bongga yung buhok ko tapos guguluhin? Grr!

6:05 am, nandito na ako sa corridor ng school namin. Kung saan magkakatabi ang rooms ng mga 4th year, sections: Love, Faith, Hope, at Wisdom. Inunahan ko na pumasok si Winter dahil ayaw niya pa gumising at kumilos. 8 am pa ang pasok namin kung kaya't inis na inis talaga ang kapatid kong iyon HAHA.

May kung ano akong nararamdaman na parang gusto kong masilayan si Sam ng performing arts club. Hindi ko alam pero parang tumibok ang puso ko para sakanya. Simula nung tinulungan niya ako nung nakalimutan ko ang linya ko nung umaarte kami, hindi na siya nawala sa isipan ko.

"Uy Sam, ang aga mo naman, saka bakit nandyan ka sa corridor? Tsk. May hinihintay ka noh?" Pang-aasar ni Faye. Bakit ang hilig-hilig nilang mang-asar? 'Di naman sa pikon ha.

Si Faye ay dating naging malapit sa'kin nung ako'y third year dahil magkasama kami sa photography club. Siya ay mula sa section Faith na kaklase ni Samuel.

"Ah-eh maaga pa kasi, saka mas mahangin dito sa corridor hehe." Palusot ko.

"Sus, wag ako ha. May hinihintay ka lang eh." pang-aasar niya pa ulit. Okay, okay, kalma lang Summer...

"Biro lang, chill. Pasok na'ko sa room ha, bye Sam." Pamamaalam ni Faye sa'kin.

Marami nang mga nagsisidatingan na 4th year students dito sa hallway at halos lahat sila ay dumeretso na kanilang classroom.

"Uy bes? Ano pang ginagawa mo dyan? Pumasok ka na dito sa room, nagawa mo na yung homework natin? Pakopya nalang ng assignment ha?" Nagmamadaling sabi ni Pat.

Usually ganon naman talaga kami ni Pat, palagi kaming nagtutulungan sa mga homeworks, seatworks, projects at marami pang iba.

Ang tagal naman dumating ni Samuel...papasok kaya siya? Baka kung napano na yun.

"Sam, tara na. Baka malate tayo." Pagpupumilit sa akin ni Pat, mukhang hindi siya papasok ah.

"Okay, sige, tara na" tugon ko kay Pat.

A Story UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon