SAMUEL'S JOURNAL
PAGE 0
Hindi ko sinasadyang saktan siya. Ayokong umabot sa ganito, pero nangako ako.
Hindi ko siya pwedeng magustuhan.
PAGE 1
It all started with a girl who they call by my name...
June 2013,
SAM!
~ Tinawag ako ng kaklase kong si Josh. Nagpabili kasi ako ng bottled water sakanya, nang ako'y tumayo, agad kong nasilayan ang isang babae..
Simple lang siya pero maganda. Sam din kaya ang pangalan niya kaya siya tumingin nung tinawag ako?
Gusto ko siyang makilala.
~ I'm a new student. A fourth year new student.
Hindi na dapat ako lilipat, I mean, sino ba namang gusto lumipat kung gagraduate ka naman na.
~ Pilian ng clubs sa school... dahil walang Arts and Literature Club, sa Performing Arts Club ako nag sign up.
Sayang! Mahilig pa naman ako sa poetry, novels, at crafts and design.
Performing Arts Audition,
Hindi ako makapaniwalang nasa isip ko pa rin yung babae sa canteen. Hindi ko nga alam ang pangalan niya eh. Bakit ko siya naiisip? Posible kayang, tinamaan ako sakanya?
Nagpaka-busy nalang ako sa pag memorize ng kaunting audition lines para sa sa performing arts club.
Grabe, hindi talaga siya mawala sa isipan ko..
Late akong dumating sa P.A. Club room, natuwa ako nang makita si "Lily Collins." Hehe (kahawig kasi niya si Lily Collins)
Sakto! Nakaeksena ko pa siya kanina. Mas maganda pala siya sa malapitan, buti nalang at hindi ko nakalimutan ang linya ko. Nahalata kaya niya na nakatitig ako sakanya?
Gonzales pala ang apilyido niya..
LOVE AT FIRST SIGHT?
OR AT SECOND SIGHT?PAGE 2
July 2013,
~ One morning habang naglalakad kami papuntang classroom ng mga katropa. Nakita ko si Lily... ay! Ms. Gonzales pala.
Gusto ko sana siyang lapitan kaso may biglang sumingit at inabutan ako ng box of cupcakes.
Kabatch ko pala siya. Sayang 'di kami magkaklase.
~ Umuulan nung hapon na yun, pag daan ko ng Aling Lumeng's Canteen, andun si Ms. Gonzales.. mukhang wala siyang dalang payong ah.
Eto na ang chance ko para mag da moves.
Sinadya kong tawagin siya sa kanyang apilyido nang sunod sunod. Para mapansin niya, at ibigay ang kanyang first name.
Siya nga si Sam.. short for Summer.
Mula ngayon, Summer na ang favorite kong season. Kahit 'di na uso.
BINABASA MO ANG
A Story Untold
Короткий рассказOne year left till Summer "Sam" Gonzales graduates high school, everything will flow softly, right? Even if she meets a man who will fill her stomach with butterflies for the very first time...