AUGUST 2013
Nalalapit na ang buwan ng wika kaya abala ang mga estudyante at mga guro sa paghahanda ng mga iba't ibang patimpalak na gaganapin sa susunod.
"Bes, ano gagawin ng perfoming arts club sa buwan ng wika? Diba taon-taon may mga pasabog na performance yung club niyo" Tanong ni Pat.
"Hindi ko pa alam eh, pero may meeting kami mamayang uwian para dyan" sagot ko kay Pat na busy magcalligraphy ng pangalan ni Josh sa notebook niya.
Few hours later,
Magkikita nanaman kami ni Samuel. Ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko siya bigla nalang akong kinakabahan. Ganun ba talaga yung effect 'pag gusto mo ang isang tao?
"Ayie, ayie! Kinikilig si Sammie! Makikita na kasi niya si crushie!" Pangungulit ni Pat sa'kin, bakit ko nga ba kinwento na crush ko si Samuel, e, alam ko namang sobrang mapang-asar ang best friend ko.
"O sige na bes, iwan na kita dito, good luck kay Samuel, hihi" mas kinikilig pang sabi ni Pat.
—
Papasok na sana ako sa room 504 ngunit nakita kong nagbabasa ng libro si Samuel sa gilid ng room namin. "Uy, ano yang binabasa mo?" Tanong ko kay Samuel.
Nagulat naman ako dahil biglang may nagsalita sa likod namin. "Samuel, pwede mo ba akong tulungan dito sa mga hawak ko?" Tanong ni Dianne kay Samuel. Agad naman tumayo si Samuel at tinulungan si Dianne... ouch, 'di niya ba ko napansin?
—
"P. A. students, sa nalalapit na buwan ng wika, tayo'y sasayaw ng Cariñosa—alam niyo ba kung ano ito?" Tanong ni Ms. Salsedo. Napatingin naman kami kay Samuel dahil itinaas niya ang kamay niya.
"Ibig sabihin ng salitang Cariñosa ay 'mapagmahal o magiliw' ang sikat na sayaw na ito ay nagsimula sa Isla ng Panay at ipinakilala ng mga Espanyol noong kanilang kapanahunan at kolonisasyon sa Pilipinas" pagpapaliwanag ni Samuel. Iba talaga siya. Pogi na, matalino pa.
"Mahusay, Montenegro" nakangiting sabi ni Ms. Salsedo.
"Ngayon, hahayaan kong pumili ng makakapartner ang mga kababaihan para sa Cariñosa, simulan mo na Gonzales" sabi ni Ms. Salsedo.
Agad naman akong napahawak sa pendant ko dahil sa sinabi niya, magiging obvious ba na crush ko si Samuel kapag siya ang pinili ko?
"Um, pinipili ko pong makapartner si Sa—" 'di ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Stephanie.
"Sammy.. Yoohoo! Pwede bang tayo magpartner, Samuel?" Kinikilig na tanong ni Stephanie kay Samuel.
"Okay." Tipid at hindi ko inaasahang sagot ni Samuel kay Stephanie.
'Di ko na alam kung anong mararamdaman ko, 'kala ko pa naman chance ko na 'to para makabonding si Samuel... hindi pala
"Gonzales, continue..." sabi sa'kin ni Ms. Salsedo.
"M-Miss, pwede po bang kayo nalang ang pumili?" tanong kong may halong lungkot.
"Ganun ba, pwedeng pwede, si Justin nalang" sagot ni miss.
Nandito pala si Justin, yung sobrang kulit naming classmate...
BINABASA MO ANG
A Story Untold
Short StoryOne year left till Summer "Sam" Gonzales graduates high school, everything will flow softly, right? Even if she meets a man who will fill her stomach with butterflies for the very first time...