Chapter 5: Knowing A Bit of You

661 7 0
                                    

Kinabukasan, hirap na hirap ako gumising at bumangon ng higaan. Bakit ba naman kasi ang aga-aga ko kailangan pumunta sa school ngayon? Lalong dadami tuloy yung pimples ko. Ugh!

Kasalanan mo yan Nik... di ka kasi nakikinig sa klase eh. Ayan ka ngayon!

Oo na! Kasalanan ko na! Hmpft!

Mabilis ako naligo at nag-ayos ng sarili ko. Actually, wala namang aayusin kasi panget na talaga ako. So umalis na ako agad ng bahay. Nakalimutan ko na nga rin kumain ng breakfast eh.

6:30 pa lang nasa school na ako. Dali-dali na akong umakyat sa rooftop. Pag-akyat ko hingal na hingal ako at sumandal ako bigla sa pader.

"What took you so long, ugly?"

Yun.... kilala ko yung boses na yun...

Siya na naman?! Ugh!!!!

"Ikaw na naman?! Bakit nandito ka?"

"Duh! Sabi ko na nga ba magkakanda l*che l*che tong project na to dahil ikaw kasama ko!"

What the hell?! Siya yung kapartner ko?! Is this a joke?!

"Yes dear. AKO lang naman ang project mate mo. May angal?"

"Hayyyy..."

Bakit ba ang malas malas ko? Bakit ba naman sa lahat lahat ng magiging partner ko.... si Chase pa?

"O mamaya ka na mag-isip na malas ka kasi parehas lang din naman tayong yan ang iniisip. Pero syempre mas natutuwa ako kaysa sayo."

"At bakit naman?!"

"Syempre may tagagawa na ako ng project at may mauutusan na ako."

What the hell?!

"WHAT?! Okay ka lang?!"

"Bakit? Di ba yun yung bayad mo sa pagtulong ko sayo?"

"What? Sinabi ko bang tulungan mo ako? And paano mo ako natulungan ha?"

"Eh di ba binigyan kita ng panyo.... hindi ba tulong yun?"

"Wow ha! Tulong na ba yun? Eh nilait lait mo na nga ako eh!"

"Hindi kita nilait no! Nagsabi lang ako ng totoo."

"Ay ewan! Basta hindi lang ako ang gagawa niyan!"

"Hindi talaga!"

"Ahhhh hindi ah pala ha! Tignan natin...."

Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa akin kaya naman hinintay ko lang siya sa may gilid ko at nakinig sa mga sinabi niya...

"Kung di mo ako susundin, sisiguraduhin kong hindi magiging maganda ang buhay mo sa school na to."

"Threat ba yan ha? Di ako natatakot sa--"

"--No! It's a promise."

Tinitigan ko naman siya sa mata at kitang-kita ko sa kanya na kaya niya ngang gawin yun. Teka... bakit hindi? E di ba nga, apo siya ng may-ari ng school na to? Hayyyyy!!!!!

"Fine! But we have to make a deal! Since.... hindi mo naman talaga ako tinulungan.... ikaw ang bibili ng materials... ako ang gagawa."

"Paano kung ayoko?"

"Pero...."

"Ako bahala sa pera, ikaw bahala sa project. Wag ka mag-alala, sasamahan naman kita sa tuwing gagawa ka eh. Bbye!"

Ginulo niya yung magulo kong buhok at umalis bigla.

Naiinis ako! Inis na inis! Bakit ba naman kasi ang malas malas ko! Ugh!!!!

Who's my Secret Admirer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon