Chapter 10: Patrick's Dilemma

312 11 7
                                    

Hawak-hawak ko yung music box hanggang mag-uwian. Tuwang-tuwa ako sa music box na ito. Pag binuksan mo yung music box may babaeng ballerina na nagsasayaw sa gitna.

Naalala ko, simula bata pa ako gustong-gusto ko na talaga magkaroon ng music box. Lagi ko nga kinukulit noon sila Mama na bilhan ako pero syempre hindi nila ako nabilhan. Naalala ko rin simula bata ako gusto ko na matuto magballet kaso hindi rin pwede dahil mahal masyado mag-aral sa isang ballet school.

Hindi ko alam paano magpapasalamat sa secret admirer ko na yun. Pero kahit natutuwa ako sa regalo niya. Hindi pa rin mawala sa isipan ko kung totoo ba talaga siya o nanttrip lang siya. Napaka...

"Nik! Nik!"

Natigil naman ako sa pag-iisip nung narinig ko yung boses ni Pot.

"O Pot! Bakit?"

"Nasaan ka kaninang lunch? Pumunta ka ba dun----

--- kanino galing yan???"

Bigla naman niya ito kinuha at binuksan. Noong una, di pa siya makapaniwala sa nakikita niya. Duh! Kahit ako rin naman.

"Saan mo naman nakuha ito?"

"Di ba kaninang umaga..."

"Ah... so pumunta ka rin pala. Andun ba siya?"

"Wala nga eh."

"So inaasahan mo na andun siya?"

"Medyo. Para makilala ko rin siya. Bakit mo tinatanong yan?"

"Wala naman. Ayaw ko lang mapahamak ka."

"Bakit naman ako mapapahamak? Ikaw na nga mismo nagsabi na..."

"I know. I know. Tara na nga."

Umalis naman siya bigla at hindi man lang ako hinintay makatayo dun sa kinauupuan ko at nagsimula na siyang maglakad. Pambihirang taong to! Aba'y wala na naman ata sa mood. Ano problema nun?

Tumakbo na lang din ako papunta sa kanya at sinabayan siya maglakad. Tinignan ko naman siya pero parang wala namang problema sa itsura niya.

"Pot, okay ka lang? Ba't ang sungit mo?"

"Okay lang ako no. Gusto ko lang talaga makauwi agad para makagawa ng homework natin."

"Ahh.. okay. Sabay ba tayo bukas?"

Tumingin naman siya sa akin sabay ngiti. Minsan di ko alam kung anong problema sa utak nitong kaibigan ko. Minsan naman kasi matino siya. Minsan ewan ko ba. Di mo maipinta.

"Oo naman. Basta ba gigisingin mo ako bukas ng maaga eh."

"Pot! Ano ka ba naman! Field trip na natin bukas tapos papagising ka pa?!"

"Oo naman. Kasabay nga pala natin si Ian ha."

"O? Bakit? Pwede ba ang outsider?"

"Hindi na siya outsider no! Pumapasok na siya last week pa ata? Di ako sure. Nag-transfer na raw siya dito eh."

"Talaga? Sige sige. Ayun naman pala may taga-gising ka na."

Hanggang pagdating sa bahay namin kinukulit niya ako na sunduin ko siya. Nakakainis na nga eh. Di kasi bumili ng alarm clock para gisingin niya sarili niya.

"O Nika, ano na naman ba pinag-aawayan niyo ni Pot?"

"Ma naman kasi! Gusto ba naman niya na gumising ako ng maaga para lang makaalis ng maaga dito sa bahay at gisingin siya."

"Tita naman kasi... field trip namin bukas ayoko naman pong malate ako."

"O ayun naman pala Nik. Bakit kasi ayaw mo pa pumayag? Baka nga naman malate siya."

"Ma!!! Dinadramahan lang kayo niyan! Wag kayo maniwalaaaa!!!!"

"Grabe Tita... ganyan pala tingin sa akin ni Nik oh..."

"Grabe ka naman Nika! Kawawa naman si Patrick. Ay nako, alam mo kung ayaw pumayag ni Nika, dito ka na lang matulog. Para ako na lang ang manggigising sayo. Ayos lang ba sayo na dito ka matutulog sa sala? O kaya naman sa kwarto ng Kuya Nixon mo. Tutal close naman kayo nun."

Nagulat ako sa mga sinasabi ni Mama. Seryoso ba siya???????

"MA!!!!! Mamimihasa yan sayo eh!"

"NIKA! Ano ka ba! Kawawa naman si Patrick no."

"Ma... ako dapat pinagtatanggol niyo diyan ehh!!!"

Tumingin naman ako kay Pot at dumila sa akin. Sa sbrang inis ko binaba ko ang bag ko at hinabol ko siya hanggang sa labas ng bahay.

"Nakakainis ka talagang kumag ka!!! Halika nga dito!!!"

"Asa ka Nik! Habulin mo muna ako!!!"

Hinabol ko ng hinabol si Pot hanggang sa mapagod kaming dalawa at umupo na lang dun sa labas ng bahay namin. Grabe.. nakakapagod habulin tong lalake na ito.

"Ayaw ko na Nik. Payagan mo na kasi ako dito matulog. Payag naman si Tita eh. Ayaw mo ba nun di mo na ako gigisingin sa amin? And I'm sure matutuwa si Kuya Nixon no."

"Oo na! Malakas ka sa akin eh."

"Hmpft! Baka mamaya ipagpalit mo na ako diyan sa secret admirer mo pag nakilala mo na siya."

"Nagtatampo ka ba sa kanya??? Di ko pa nga kilala yun."

"Di ako nagtatampo."

"Eh ano? Grabe Pot ha... hahaha!!!!"

"Ayaw ko lang mawala ka sa akin dahil sa kanya."

Who's my Secret Admirer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon