Chapter 5

267 9 0
                                    

HUMINTO sila sa tapat ng table na pangdalawahan sa harap mismo ng stage.  He did what gentlemen are doing by pulling the chair for her and let her sit.

“Thanks.”

“Welcome.” Umupo ito sa upuan sa harap niya.  “Kitang –kita mo kami dito mamaya. Panoorin mo kaming mabuti ha? Ay! Kahit ako na lang pala ang panoorin mo…” ipinatong nito ang dalawang kamay sa mesa at ngumiti. “…huwag na sila.”

Natawa siya. “Sira! Bakit? Gano’n ka ba kagaling para ikaw na lang ang panoorin ko?”

“Hindi. Gano’n ako kagwapo.” Ngumisi ito.

Tinaasan niya ito ng kilay.  “Oo na lang.”

Natawa na lang ito.  “Your sense of humor never failed Alice.” He reached for her cheeks. Kinurot nito iyon…just like the old times. Pinalo niya ang kamay.

“Ano ba? Masakit yun ah?”

Nagpeace sign ito. “Sorry…I missed doing that. Anyway, panoorin mo kaming mabuti dahil para sa’yo ang isa naming tutugtugin.”

Oh man! “Para sa akin?”

“Yep!” nagpangalumbaba ito. How she hated him for doing that because he extremely looked cute. “Hulaan mo ‘yung title.”

“Hmmm…sirit na.”

“Suko agad?”

“Ano nga?”

“Hindi kita malilimutan—Aray!” pinalo niya ang noo nito.

“Baliw! Ano ako? Ililibing?”

Tatawa-tawa lang ito habang hawak ang noo.  “Joke lang siyempre.”

“Tse!”

Tumawa lang uli ito.

“Nathan!” sabay silang napalingon sa tumawag dito. Isang lalaki ang papalapit sa kanila. Base sa pagkakatanda niya mula sa magazine na pinakita ni Cel sa kanya ay ito si Marvic, ang drummer ng The Syndicate band at napatunayan niya iyon nang makita ang pair of drumsticks sa bulsa nito.  “Kaya naman pala missing in action ka sa backstage busy ka sa panliligaw.” Sabi nito nang makalapit sa kanila. Pinasadahan siya nito ng tingin tsaka bumaling kay Nathan.  “Pare siya ba yung sinasabi mong—” Tinakpan ni Nathan ang bibig nito gamit ang kamay.

“Shut up ‘tol.”

Tinanggal naman agad iyon nito. Hindi maipinta ang mukha ni Marvic.  “Kadiri ka pare ang baho ng kamay mo! Ano bang hinawakan mo?”

“Bunganga mo.”

“’Lol.”

Na-curious siya sa sasabihin sana ni Marvic. Ikinukwento ba siya ni Nathan sa mga ito? Ano naman kaya ang pinagsasasabi nito tungkol sa kanya?

Inakbayan ni Marvic si Nathan at ginulo ang buhok nito.  “Binata ka na pare, I’m proud of you!”

“Tanggalin mo nga yang kamay mo!” naiinis na utos nito. Ngunit lalo lang ginulo ni Marvic ang buhok ni Nathan.

“Wuuu! Por que marunong ka ng manligaw ngayon ganyan ka na.”

“Shaddap!”

“Yeah right. Ah Ali…” napaisip ito. “miss pala…” Baling nito sa kanya.  Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay kilala siya nito. “Pahiram muna nitong lover boy mo, ah? Mag-start na kasi.”

Lover boy huh? “Okay. Go ahead. Good luck nga pala.”

“Um-order ka na lang ng drinks Alice, my treat.” Tuluyan na itong hinila ni Marvic. 

Take Me Back (by iamwriteous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon