Chapter 5: Suprise or not?

3 2 0
                                    


Pagkatapos ng klase balik na naman ako sa pagiging personal maid ko kay sir Alex atsaka sa bahay.

Di na ako sumabay kay sir Alex pabalik sa bahay nila, may pupuntahan pa daw sila magbabarkada. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang mansyon. Malapit lang naman sa school

Nakapasok na ako sa village, napansin kong may playground pala dito naalala ko tuloy yung nanay ko, lumaki kasi akong walang tatay pero napalaki ako ng nanay ko na masayahin at mabuting Tao.

Mayaman din kami dati, sa side ng Mama ko pero sa tatay ko di ko alam. Di ko nga din alam kung only child ako or what? Di kasi nagkukwento si mama. Narinig niyo na kanina pa, oo mayaman kami nakatira din kami sa mansyon na katulad ng tinitirhan ko ngayon. Sa kasamaang palad namatay yung Mama ko siguro 12years old ako, kaya maaga ako nakapagtrabaho at tumayo sa sarili kong mga paa,
Kahit papaano may naiwan sa aking pera na binigay ni mama at yung kwintas, nagbigay din yung Tita ko ng pera. Mansyon na tinitirhan namin noon, pagmamay-ari na ng Tita ko, dahil lang naman sa napaka-selfish ng asawa ni Tita. Pati si Tita sinasaktan din kaya walang magawa kung di sundin yung asawa niya. Sa totoo lang wala pa sa kalahati ng mana ang naibigay sa akin.

Napansin kong umiinit na yong mga mata, umiiyak na pala ako!! Huhuhuhu

Nasa tapat na rin ako ng mansyon na balang araw mahihigitan ko rin at makikilala ako sa buong mundo bilang isang dancer.

"Bakit Hindi mo sasabay si young master" sabi nung guard ng bahay, pinagbuksan na ako ng gate ni manong at dumaretso na ako sa loob.

May maleta??

Sino naman ang aalis?

Ah baka sina maam at sir

Nanlaki ang mata ko dahil merong babae

Baka naman yan yung girlfriend ni sir Alex

Kaya ng nakikita ko sa mga picture frame lagi siya Kasama

Baka fiancee?

"Si sir Alex po ba ang hanap mo" napatingin sa akin yung babae, ang tingin palang mukhang mataray na

"And who the hell is you" aba! Ang yabang neto ah girlfriend ka lang niya or kung fiancee, paano ba ito naging gf or fiancee ni sir Alex. Ah baka naman arranged marriage lang silang dalwa

"Kung si sir Alex lang po yung kailangan niyo, wala po siya dito" natitiim lang ako ng sama ng loob dahil sa inasal ng babaeng ito.

"Sino ka ba? Girlfriend ka ba niya?" Ako? Eh ikaw nga jan baka naman isa sa mga ex or chicks na di maka-move on kay sir Alex

Girl it's time to move-on

"Kung girlfriend ka niya, pwes di ako papayag. Ngayon palang maghiwalay na kayo, hindi mo ba ako kilala?" oo, di pa kita kilala kaya wag mo ako ginaganyan-ganyan.

"Hind-"

"Maam Alyssa nakarating na po kayo" sabi ni Nanny, wait what sino ba ito?

"Nanny, who is this ugly girl" wow ha! Ang pagkakaalam ko 'Ugly start with U not S' doble meaning ba, haha

^_^

"Si Sandra po, maid po ni young master" sabi ni Nanny, dinala niya yung maleta, kami na lang dalwa ulit yung nandito.

"Oh so your a maid" kakasabi lang di ba? Bingi ka ba?

"Tandaan mo itong magandang mukhang ito, ako lang naman si Alyssa Mae Tan kapatid naman ni Alexander Tan you got it" naiwan akong tulala dito, kahihiyan level 3.

Bakit walang nabanggit sina maam at sir, baka naman surprise yun para sa kanila o baka ngayon lang siya dumating

May maleta nga diba ang bobo mo naman Sandra

Pwes ako hindi ako na-surprise, teka di naman ako yung isusurprise ah

#feeler
#kaahihiyan level 4

I'm not happy when I met Alyssa Mae Tan, masama kutob ko sa kanya.



A/N: sorey po sa mga wrong grammar at typo.

Until We MetWhere stories live. Discover now