Chapter 3: First day

6 4 0
                                    

Maaga akong nagising 5:00am gising na ako, gising na rin pala si ate Tina.

"Ang aga Mo atang nagising" sabi niya

"Ah may pasok po ako, atsaka ganitong oras ako nagigising" pumunta muna ako sa cr, pagkatapos lumabas na muna ako dun sa may kusina.

Nagsaing ako, tinulongan ko rin yung mga katulong na magluto.
Nagkape na rin ako para makaligo na ako, magready sa first day ko.

-*

6:00am na tapos na ako sa lahat, naka-uniforme na ako, pero naghahanda pa rin ako para sa alaga ko, sabi nila ma'am sasabay na ako sa dun sa alaga ko.

Palabas na ako sa kwarto ko for sure naman nandun na si sir Alex.

"SANDRA!!!!!! Aalis na si young master nasaan ka na" nagulat ako
sa sigaw ni Nanny.

"Opo" sigaw, dumaretso na ako sa may sala.

"Sir sorry po kanina pa po ba kayo" yari ako, buti na lang hinintay ako.

"Actually kararating ko lang" haist buti na lang, kundi yari ako.

Sumakay na ako sa harap ng kotse, nasa likod si sir Alex.

"Sir-"

"Wag mo na akong tawaging sir sa school huh, dito lang sa bahay"
Paano yun? Alex yun lang ba Ang itatawag ko? Bahala na.

Maya-maya palipat-lipat ang tingin ni manong Edgar sa amin

"Bakit po manong Edgar" bakit kaya?

"Ah kasi nagkakapagtataka na magkahawig kayo ni sir Alex" ganon ba? Bakit naman kami magkahawig.

"Ganon talaga kapag gwapo tapos maganda" ganon ba Ako kaganda para sabihin ni sir Alex.

Bago pa ako mahimatay, nakarating na kami sa school. Magpapaalam na ako kay sir na bababa na ako.

Nasaan ba dito yung office napuntahan ko na yon pero bakit naliligaw pa rin ako.

Takbo dito

Takbo doon

Takbo sa kaliwa

Takbo sa kan----

*Boogsh*

"Aray ko" yan Sandra yan ang napapalamo, ang sakit ng pwet ko aray.

"Sorry" yan na lang ang nasabi ko sa kahihiyan, level 2 kahihiyan ni Sandra.

"Di kasi nag-iingat" oo, na ako na yong di nag-iingat, pero aba inabutan pa ako ng kamay kaya napatingala ako.

"S-sorry ulit, Sandra nga pala" nagpakilala na ako, may makaibigan ako.

"Sebastian" tapos umalis na siya, ang sungit din pala magpakilala nun parang si sir Alex lang.

Makapunta na nga sa office, baka malate pa ako. Kita ko na dito yung office

'tok tok'

"Pasok" pumasok na ako

"Ma'am ako nga po pala si Cassandra Costan, yung scholar po" sabi ko.

"Oh ija anong sadya mo?" Ano nga ba? Ah oo

"Yung schedule ko po" inabot niya sa akin yung schedule ko.

"Ah salamat po" nagbow ako bilang paggalang

Tamang-tama nadaanan ko ito.

-*

Nang makarating ako room ko C-1 section ko. So ang kasunod ng C-1 Edi C-2 bigla akong natawa kahit corny.

Nakapasok na ako sa room ko, ang ingay may nag dadaldalan, meron namang ng bubully akala mo hindi mga taga C-1 sa ginagawa nila.

Nakahanap na ako ng bakanteng upuan, kaya pala maingay wala pang teacher sa unahan

May biglang pumasok, kaya tumahimik lahat. Kaklase ko siya








"Si Sebastian yung lalaking masungit"

Until We MetWhere stories live. Discover now