Sobrang dilim ng paligid. Hindi ko makita ang kung anu-anong bagay ang nandito. Mula sa langit ay dito ako bumagsak.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako nang antok. Siguro, epekto ito ng parusa ko kaya natulog ako kung saan ako bumagsak.
Kinaumagahan, gumising ako mula sa pagkakatulog. Kinapa ko ang hinigaan ko. Sobrang tigas nito at ang lamig. Isang sahig ng isang bodega ang tinulogan ko kagabi. Nananakit ang likod ko at nangangati ang balat ko. Puno ng alikabok ang mga bagay dito sa bodega. Nasimot ko ang alikabok at bigla na lang akong bumahin.
Hindi ko alam, may tao pala sa bodega. Napansin niya ang pagbahin ko kaya agad siyang pumunta kung saan niya narinig ang pinanggalingan ng pagbahin.
"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" pasigaw niyang sabi.
Mabuti nalang at naging alerto ako kaya nagawa kong makapagtago sa likod ng isang kahon.
"Lumabas ka diyan! Magpakita ka sa akin!" pagsasalita niya ulit.
Sumilip ako mula sa pinagtataguan ko at nakita ko na tumitingin-tingin siya sa paligid na tila may hinahanap at may hawak-hawak na isang baseball bat. Malamang, ako talaga ang hinahanap nito. Wala namang ibang nandito maliban sa akin.
Hindi naman maaaring habambuhay akong magtatago dito. May misyon pa akong dapat gawin kaya kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito. Paano kaya ako makakatakas dito?
Narinig kong unti-unti siyang humahakbang papalapit sa direksyon ko. Lord! Hindi ko pa man nasisimulan ang misyon ko, baka mamamatay ako dito. Help naman diyan!
Ilang saglit lang, nakita ko na may paa. Unti-unti kong inangat ang tingin ko papaitaas at nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Papaluin niya kaya ako ng baseball bat ? Tsa-chop-chopin niya kaya ako. 'Wag naman sana.
"Miss, anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" tanong niya sa akin pero mas mahinahon na.
Hindi ako makasagot. Nababalot ang katawan ko nang sobrang takot dahil baka saktan niya ako.
Ibinaba niya ang baseball bat na sahig at tumalungko siya sa harap ko.
"'Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan. Tumayo ka na." kalmado niyang sabi.
Inabot niya sa akin ang kanyang kanang kamay. Tiningnan ko siya. Mukha namang hindi niya ako sasaktan. Kalaunan, inabot ko ang kamay niya at tinulungan niya akong makatayo.
Pinagpag ko ang suot kong damit para matanggal ang mga kumapit na alikabok dito. Ilang saglit lang, muli na naman niya akong tinanong,
"Miss, paano ka nga pala nakapasok dito?Anong ginagawa mo dito?"
"Hindi ko alam."
Iyon lang ang tangi kong sagot sa kanya. Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa kanya na bumagsak ako dito. Nang tingnan ko ang bobong, wala namang butas. Walang ebidensyang nahulog talaga ako dito. Wala akong maisip na magandang palusot kaya ito 'yon lang ang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
Inoue's Journey : Angel Wings
General FictionMay isang anghel na pinadala sa lupa mula sa langit. Dahil sa nagkasala siya, inalis ang lahat ng kakayahan niya bilang anghel at naging tao bilang parusa. Para makabalik sa dati, kailangan niyang magawa ang misyon na binigay sa kanya.