~Chapter 2~

77 5 5
                                    

Nang matapos na kumain ang lahat, tumulong ako sa pagliligpat ng pinagkainan. Pagkatapos kung manghugas, umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. 

Umupo ako sa kama at tiningnan ko ang kwentas. Hinawakan ko ito at patuloy kung tinititigan. Ano ba ang misyon ko dito? Para kanino ang misyon ko? Hindi ko alam. Iniisip kong mabuti kung papaano ko magagawa ang misyon ko pero ayaw gumana ng utak ko. Humiga ako at tinitigan ko lang ang kisame nagbabakasakaling may sagot pero walang lumabas. Baliw ang taong naniniwalang may sagot sa kisame. Ang tanga ko rin ano?

Ilang saglit lang nakatulog ako.

Kinaumagahan, sumama ako kay ate Rona papunta sa pagawaan ng sapatos. Sakto lamang ang laki ng lugar. Sapat lamang para sa isang maliit na pagawaan. Kakasimula pa lang kasi nila ate Rona sa negosyong 'to kaya todo kayod sila para lumago ang negosyo.

Dahil hindi ako marunong gumawa ng sapatos, ako nalang nagliligpit ng mga kalat sa pagawaan. Nilalagay ko rin sa isang shelf ang mga kakatapos lang gawin  na mga sapatos.

Pinabalik muna ako sa bahay ni ate Rona kasama si Benjie. Sobrang likot kasi ni Benjie kaya pinauwi mona kami at pinabantayan niya sa akin ang bata.

Pagkarating namin sa bahay, binuksan ko ang tv sa sala. Hinayaan ko muna si Benjie na manood ng tv. 

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagpunta ko doon, nakita ko si Kurt na nakaupo. Nang makita niya ako, bigla siyang umalis. 

"Kurt, alam kong may pagdududa ka sa akin, na ayaw mo na nandito ako. Pero wala na akong ibang mapupuntahan. Sana hayaan mo muna akong makitira sa inyo." 

Napatigil siya sa paglalakad. Nakita kong nagbuntong hininga siya habang nakatalikod siya siya sa akin.

"Wala na akong magagawa dun. Si mama na ang nagpapapasok sa'yo dito."

Bigla siyang lumingon sa direksyon at sabay sabi,

"Pero sa oras na may gawin kang hindi maganda sa bahay na 'to, humanda ka sa akin."

At tuloyan na siyang umalis. 

Palihim kong sinundan si Kurt. Pumunta siya sa isang flower shop at bumili ng mga bulalak. Sa kasunod na tindahan, bumili  siya ng kulay asul at kulay puting kandila.

Nagpatuloy sa paglalakad si Kurt. Nagpatuloy lang din ako sa pagsunod sa kanya. 'Di kalaunan ay pumasok siya sa isang sementeryo.

Inalay nya ang binili niyang bulaklak at mga kandila sa isang puntod. Nagsasalita siyang mag-isa sa harap nito pero wala akong marinig kahit isang salita. Baka kasi pag mas lumapit pa ako, mahuli niya akong sumusunod sa kanya. 

Kung bakit ko siya sinusundan? Hindi ko talaga alam ang totoong dahilan basta ang alam ko, may something siya na gusto kong malaman.

Mahigit isang oras siyang nakaupo sa harap nito. Hindi nagtagal ay umalis ito sa sementeryo. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inoue's Journey : Angel WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon