KABANATA VII: LIHIM NA TAGAMANMAN

89 2 0
                                    

BALINTATAW

ANG PEREZ, ANG HASENDERO, AT ANG TULISAN

KABANATA – VII

Lihim na tagamanman

Pasado alas siyete na ng gabi, oras na kadalasa’y nag aayos na ng higaan ang karamihan. Sa mga sandaling yaon, ang matandang Gorio ay naghahanda nang ikandado ang tarankahan ng kanilang kahoy na pintuan nang maulinIgan ang isang ingay, sa wari niya ay kalalakihang nagmamadali at tila may halong pagka-balisa pa sa pag hingal. Kanya itong sinilip sa siwang ng kanilang pinto at nakita nga ang nagmamadaling lalake na akay-akay ang kasama, sa una ay inakala ni Gorio na dalwang lasing lamang ang mga ito ngunit habang papalapit ay napagmasda niyang tila ba sugatan ang kalalakihan. Agad tinawag ni Gorio ang anak upang masigurado, pagka-kitang pagka-kita ni Miriam nito ay agad niyang nakilala ang uniporme ng isa sa kalalakihan at siya ay napahiyaw…

“Itay! Duguang tao nga yaon, at tila isang pulis ang may akay–akay sa isa.”

Madaling pinaabot ni Gorio ang gasera at pinasindihan sa anak, sabay na nagpatulong buksan ang taragkahan. Sinipat pa ni Gorio at itinaas ang gaserang hawak upang lalo niyang Makita ang papalapit na mga tao.

“Pakiusap ho, tulungan ninyo kami…”

Garalgal na wika ng naka unipormeng pulis na lalake, agad namang pinatuloy ni Gorio ang mga ito at inutusan ang anak na kumuha ng mga naitabing halamang gamot upang dagliang lunasan ang mga sugat na tinamo ng mga estranghero.

“Ano bang nangyari? Naka-sagupa ba kayo ng mga tulisan?”

Pag uusisa ni Gorio. Habol hininga namang pinilit ng unipormadong binata na sagutin ang tanong ng nagmagandang loob na matanda.

“Hindi po, ang taong inyo pong nilulunasan ay isang bihag na tulisan, itinakas ko po sya sa lihim na selda sa silong ng mansion ng mga Simeon…”

Dahil sa pagka bigla ay agad naantala ng matanda ang pagsasalita ng binata ng isa pang uurirat…

“Tulisan? Bihag ng mga Simeon? Kung gayun, ang taong ito ay ang tulisang nahuli mula sa pananambang noong isang araw? Ngunit…?

Bago pa man matapos ng matanda ang pagturan ay agad itong inantala ng anak at sinabihang hayaan munang mahugasan ang mga sugat ng dalawa at malunasan; habang nagawa naman na maitungo ng sugatang pulis ang ulo bilang pagtugon sa katanungan ng matanda. Kasunod nito ay inutusan agad ni Gorio ang anak na isarado na ang mga bintana at ang pintuan. Agad din nilang hininaan ang liyab nang apoy sa gasera upang bahagyang dumilim ang silid. Ginawa ito ng mag ama upang hindi paghinalaan nang pagkakalunlong sa dalawa, wari nilang may mga naghahanap sa kalalakihang ito at maaring magawi din sa kanilang tahanan, na maaring maglagay sa kanila sa alanganin at maparusahan. Ilang sandal pa ay may narinig uli silang ingay mula sa labas na papalapit nang papalapit sa kanilang kubo. Sinilip ito ni Miriam at halos madaig ng yabag ng paparating na mga kabayo ang pintig ng kanyang puso sa kaba. Mga tauhan ni don Benigo Simeon ang mga lulan ng kabayo at tiyak na hinahanap nga ang dalawang taong ngayo’y nasa kanilang pamamahay.

“Itay, si Vicente po kasama ang iba pang tauhan ni don Benigno, ano pong gagawin natin?”

Pagsambit ng dalaga noon ay agad ding narinig nila ang pag tawag ni Vicente sa ngalan ng matanda. Sumenyas si Gorio sa anak na huwag maingay at nag wikang…

“Huwag kang matakot, basta huwag kang maingay, ako ang bahala, lalabasin ko sila at kakausapin upang hindi sila lalong maghinala.”

Sabay hawak ng mariin sa palad ng anak upang lumakas ang loob nito at dalidali ngang kinuha ni Gorio ang gasera at binuksan ang bintana.

BALINTATAW: Ang Perez Ang Hesendero at Ang Tulisan (onhold for revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon