Chapter 2

34 5 0
                                    


I'm done fixing all Mar's mess. Pinagtagpi tagpi ko na rin mga napunit niya. It took me almost three hours to finish it all. Although I'm super drained, blessing in disguise tong kalat ni Mar kasi I got the chance to read some of dad's case. May mga murder, rape, estafa at iba pa. But what really caught my attention was the unsolved case of Mara Dela Cuesta.

According to the articles I found inside dad's envelope, si Mara raw ang anak ng mag-asawang si Alfonzo Dela Cuesta at si Ramona Arcanghel. Arcanghel dahil nagkaroon ng bagong asawa ang nanay ni Mara matapos mamatay ang kanyang ama dahil sa sakit sa puso. His name was Ricardo Arcanghel.

Namatay si Mara noong Mayo 15, 1960 sa loob ng kanyang tahanan. Nagtamo ito ng limang saksak sa may binti at kamay, at isang tama ng baril naman sa may ulo.

All I can say is, sobrang kawawa ang ginawa sakanya. She doesn't deserve to die. And the worst part is, hanggang ngayon, 60 na taon na ang nakakalipas, wala paring nahahanap na suspek.

Inside the envelope are random pictures of her and her prarents and probably some of the suspected people involved in the murder.
Mayroon ding mga journal entries na nakalagay. Napansin ko na karamihan ay mga pangyayari lamang dalawang buwan bago ang kanyang pagkamatay.

I don't want to sound obsessed but her death is really making me intrigued.

Binasa ko lahat ng laman ng kanyang journal. Some are just random stuffs about her ex boyfriend or about her stepdad or about her bestfriend Esme or about her miserable day sa summer job niya.

From what I've noticed, she is an independent woman. Kahit mayaman sila, she chose to look for a job.

Madami dami na rin ang aking nabasa. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakaupo pero I've already reached the week of her death without even noticing it. Bigla nalang nagbago mood ng journal niya. Biglang naging madilim at malungkot.

"Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin. Para bang nasa kulungan ako. Hindi ko kayang makawala sa kalungkutang nararanasan ko. Pakiramdam ko'y hindi na ako si Mara. "
Mayo 10, 1960

"Napanaginipan kong may nakilala akong isang lalaki. Ang nakapagtataka ay nakita ko raw siyang nahimatay sa isang lugar. Abril 10, 1960 raw ito naganap. Siya raw ang sasagip sa akin ngunit hindi ko matanaw kung ano ang kanyang itsura. Isa ba siyang anghel?
Ayon sakanya, may papatay daw sakin. Hindi kapani paniwala pero kaba ang una kong naramdaman. Kung totoo man ito, bakit ako? Anong ksanalanan ko sa mundoo?! Nagising akong lumuluha at takot. Pinaalala ko sa sarili ko na panaginip lamang ito at hinding hindi ito mangyayari."
Mayo 14, 1960

Tapos nakasulat sa likod ng May 14 entry niya ay: May 15 entry was ripped from its notebook which could be a possible lead to her death.

It was my dad's handwriting.

That's when I realized that dad will probably reopen this case.
I tried searching for more in the internet.

There are lots of articles pero lahat ng iyon alam ko na. I was still looking for some things na maaaring hind ko pa alam until I stumbled across a picture showing her grave. that's when I realized na malapit lamang ito sa puntod ni mama.

Yes you've read it right. my mom has been gone for almost 15 years now. I have not really met her. Since 1 year old palang ako ay wala na kasi siya.

Breast cancer is what my dad told me. She died while I was in her arms. She was smiling while her body turned into a cold and lifeless one.

Napagdesisyunan kong bumisita sa puntod ni mama at pagkatapos ay kay Mara Dela Cuesta Dela Cuesta naman.

The Unsolved Case of Mara Dela CuestaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon