I was too damn tired of accepting orders, serving them, and cleaning this place. I never even ate a single grain of rice. Fortunately, the girl in red apron gave me water to replenish. Napansin niya kasi na nanghihina na ako.
This day really is the longest day ever.
Bigla akong napunta sa taon na malayo sa kapanganakan ko, nakakita ako ng isang taong patay na (or so I thought), naglakad ng napakalayo at nakakuha ng trabaho. All at once for just a day.
"Esmeralda," she said as she extends her hand. "Pwede mo naman akong tawaging Esme." Ngumiti ako sabay sabing "Yohan," accepting her handshake.
"Yohan? Ang ganda naman ng iyong pangalan. Kakaiba pero maganda." Sambit niya. Hindi ko man lang naisip na masyadong modern ang Yohan na pangalan sa panahon ngayon. Ano ba pwede?
"Uhm Yohenyo talaga yan." nginitian ko siya ng napaka awkward.
"Napansin kong mukha kang mahiyain kaya ako na lumapit sayo."
"Di naman, I'm just not used with this environment."
Napakunot nuo siya. May sinabi ba akong mali?
"Inglishero. Galing ka sigurong Amerika. Pasensya na di ko maintindihan iyang lenguahe mo." itinuloy niya ang paglilinis. Kumuha siya ng basahan at ipinunas ito sa lamesa.
"Pasensya na," tugon ko.
"Okay lang Yohenyo, di mo naman sinasadya." she smiled.
Bumalik na ang boss namin na may hawak na barya.
"Miss Martina, mukhang maaga pa po para umuwi." said Esme.
"Maaga ko na kayong papauwiin. Luluwas pa kasi ako papuntang Bulacan." Iniabot niya ang barya samin. Mukhang ito ang sweldo namin.
Tatlong piso. Hindi ko alam ang halaga ng barya sa panahon ngayon pero kasya naman na siguro to.
"Esme, ikaw na bahalang magsara rito."
"Sige po ma'am!"
She looked at me and said, "pano ba yan, uwian na. Bukas ulit Yohan."
"Teka, may tanong ako."
"May alam ka bang matitirhan na pwedeng rentahan ngayon na? Wala kasi akong matutulugan ngayon."
It was really embarrassing but I have to ask her that or else sa lansangan ako matutulog.
"Naku! Kay Manag Pasing sana kaso wala siya ngayong gabi. Nakilamay yun."
Pano na?
It was silent for a minute. I can see her face was hesitant pero she finally spoke. "Kawawa ka naman ginoong ingleshero. Patutuluyin muna kita sa apartment ko pero isang gabi lang."
Nakahinga ako ng maluwang. "Maraming salamat!" I was so damn happy to the point na nayakap ko siya.
She was so shocked.
Good job Yohan for making this awkward! Fuck!
- - - - -
Her apartment was simple but it smelled like home. May kaunting upuan, maliit na kusina at isang kama.
Teka?! Iisa ang kama at walang sofa?? Where am I supposed to sleep?
"Upo ka muna. Magsasaing lang ako."
I sat and patiently waited kahit sobrang kumakalam na ang aking sikmura.I'm a little sleepy kaya iidlip sana ako kahit konti when someone knocked.
Esme was busy cooking so I volunteered to take it. I opened the door and saw her.
Her expression changed from happy to shocked.
Mara Dela Cuesta. Seeing her again makes me shiver. All her photos from the crime scene suddenly popped out of my mind. The wooden floor full of blood and a hole on her head.
I need to warn her about her death pero paano? I don't think her impression of me was nice.
Kumuha siya ng isang napakalaking bato. Ihahampas sana niya sakin ito pero I flinched and said, "teka po!"
Hindi niya itinuloy pero sumigaw siya ng, "Anong ginagawa mo dito sa bahay ng kaibigan ko?! PUTANGINANG BASTOS LUMAYAS KA!"
She's a pretty girl pero may anger issues. It doesn't complement her innocent and angelic face.
I defended myself, "Hindo po ako bastos miss, andito ako kasi wala po akong matutuluyan, katrabaho ko po si miss Esmeralda." I explained.
Itinulak niya ako sa gilid upang makapasok sa siya loob. I lost a little bit of balance, good thing naka hawak ako sa pader.
"Totoo ba to Esme?! Pinapasok mo ang isang manyakis sa iyong tahanan?!"
Esme, still cooking, looked at Mara and said, "Magandang gabi rin sayo Mara. Napadaan ka?"
This made her more angry but she's trying to calm herself down.
"Sagutin mo ang tanong ko Esme!"
Esme sighed and said, "kumalma ka kaibigan. Katrabaho ko si Yohan at mukha namang mabait."
Thanks for saving me.
"At tsaka, wala siyang matutulugan kayo pinatuloy ko muna. Isang gabi lang naman." she continued.
Mara is still not convinced pero wala naman na siyang magagawa.
"Dito na rin ako matutulog. Baka kung ano gawin niya sayo." lumingon siya sakin habang nagsasalita. She looked at me sharply na para bang papatayin niya ako.
Mukhang nakahanap ako ng isang tigre sa panahong 1960.
Sabay sabay kaming kumain ngunit walang umiimik. It was so awkward. Nakakawalang gana kaya I broke the silence.
"Ang sarap ng luto mo Miss Esme!" sambit ko, which is true o baka umiba lang ang panlasa ko sa adobo dahil sobrang gutom na gutom ako. Either way, I'm glad I'm able to eat and survive this day.
"Salamat!" she replied.
"ang peke." Mara whispered.
"Anong sabi mo?" I clearly heard her pero nakakapikon kasi.
She smiled fakely and said, "Wala po, nabilaukan lang pi ng konti."
She clearly didn't choke. SINONG PEKE NGAYON?!
"Hindi ako peke okay!" I argued.
"Anong hindi?! Sa tingin mo hindi ko napansin?! Bigla ka nalang nagpakita para ano?! babastusin mo ako?! Tapos sinunod mo ang aking kaibigan kunwa kunwaring wala kang matitirhan. Subukan mong gawin kung ano man ang pakay mo at bubugbugin kita!!"
Bigla nalang siyang sumabog. Itinutok niya ang kanyang tinidor sa leeg ko. Pano ko siya masasagip kung ganyan siya ka agresibo.
I'm going to hell for saying this but she have an anger issue. No wonder someone murdered her
"Alam mo miss, kung puro bintang ang lumalabas sa bibig mo, wala na akong magagawa!" sambit ko.
"Ang ingay punyeta!"both of us turned towards Esme's direction. "Kung mag aaway kayo, dun kayo sa labas wag dito! Para kayong aso't pusa!"
That made us botg shut up. Hindi ko namang intensyon kung ano man ang bintang ni Mara saakin.
"Sorry." I whispered, pertaining to both of them. It was so soft, they might not have heard it.
I was just so tired and I want this day to be over. Or more like this whole situation to be over.
I looked at Mara but she didn't look back. She just continued eating.
She looks sweet when she's quiet. Sana bukas di na siya galit sakin para naman masabi ko sakanya ang totoo.
Na mamamatay siya sa Mayo 15, 1960. A month and one week from now.
BINABASA MO ANG
The Unsolved Case of Mara Dela Cuesta
Misterio / SuspensoYohan Emmanuel is a big fan of documentaries about real life crimes, more specifically, unsolved murder cases. While fixing his dad's files, he came across an old picture of a girl from the 1960s. She was sixteen year old, Mara Dela Cuesta, who was...