Chapter 1

46 1 0
                                    

I'm on my way to my classroom right now.
Madami ng tao dahil almost 9am na which means na may ibang tapos na sa kanilang subjects ang iba naman ay kagaya ko na papasok pa lang sa first subject.

Naglalakad ako dito sa hallway when I saw Joaquin, flirting again with one of his hoes. I'm sorry for the term pero mukhang 'yan talaga ang babagay sa kanila kasi kulang nalang talaga na maghubad sila sa harap ni Joaquin. Hindi ko naman madedeny na hindi gwapo 'tong kaibigan ko. He really has the perfect figure dahil na din siguro na captain siya ng basketball team. Also, his face is almost perfect na din, galing sa ilong na matangos, reddish lips na tila ba nag-apply siya ng liptint, chiseled jaw, makapal na pilik-mata at kilay, kaso may cut lang siya sa kilay niya pero it doesn't look bad at him, mas lalo tuloy siyang naging bad boy. Namana niya halos lahat ng features niya sa Papa niyang half Spanish.

I was about to walk through them na hindi ko sila papansinin at hindi nila ako maakikita nang tawagin ako ni Joaquin.

"Louisse, Where are you heading to?" tanong niya.

I gasped. "Omg, hindi ko alam where would I go. Maybe sa mall? Of course! Sa classroom ko kasi magsisimula na ang klase ko." hindi ko napigilan na magtaray sa kanya, stating the obvious eh.

"Geez, you don't need to be a bitch." and he clicked his tongue. Tignan mo talaga 'tong lalaking to ansungit talaga. Hindi ko alam kung bakit nagugustuhan to ng mga babae eh masama naman ugali. Mapera lang talaga at gwapo pero for me it isn't enough para magkagusto sa isang lalaki. Well, tanggap ko naman na magiging single forever na ako dahil sa kasarian ko kaya wala na akong pakialam.

I just rolled my eyes at hindi nalang siya pinansin and I turned my back at them at nagsimula na akong lumakad paalis. Habang naglalakad, nagtataka ako bakit halos lahat ng mga nakakasalubong kong tao ay tumitingin sa'kin, I realized na baka may sumusunod sa'kin kasi imposible naman na tignan nila ako ng walang dahilan. Huminto ako at tumalikod para malaman kung sino ang sumusunod sa'kin.

It was Joaquin following me. "Why are you following me? Hindi naman dito ang building mo? And where is the hoe you were talking to a while ago?" I raised my eyebrows. He just shrugged and stayed in his place.

I groaned in frustration itong lalaking 'to! "Fine, suit yourself." at naglakad na ako ulit. Naiilang ako habang naglalakad kasi puro tingin ang mga tao sa'kin. Sino nga ba ang hindi mapapatingin na nasa likod ko na parang buntot ko ang isang higanteng captain ball ng basketball team at isa pa, malayo ang building nila dito sa'min dahil business ang course niya.

Dumating naman ako agad sa classroom and marami naring tao ang nandito. I turned my back to face Joaquin.

"Ano? Tutunganga ka nalang d'yan? Ano na? Wala ka bang klase?" tanong ko.

"None." kaya tinulak ko na siya na nagmistula akong batang tinutulak ang isang malaking tao.

"Go!" I said. Agad naman siyang tumalikod at umalis na, malayo pa naman ang building nila dito sa'min.

Pumasok naman ako sa loob habang wala pa ang professor namin. Mukhang makakatulog ako sa boring na lesson na 'to.

Kakatapos lang ng dalwang oras ko na Human Anatomy and Physiology na klase kaya break ko ngayon. It's already 11am at mamaya pang 4pm ang balik ng klase ko. I opened my messenger to see if may nag chat ba sa'kin

Dylan Montenegro: Empress, where you?

Gael Fernandez: Where na u? Dito na us caf.

Diego Montefalcon: We're here at the caf, bilisan mong pumunta dito.

The three of my friends chatted me para ipaalam na nasa cafeteria na sila. Maliban nalang sa nagiisang lalaking 'yon, hindi na talaga ako aasa na mag me-message sa' kin yun. Kaya agad na akong gumayak patungo sa cafeteria namin.

Until The EndWhere stories live. Discover now