Chapter 2

22 0 0
                                    


Maaga natapos ang klase ko ngayon kaya papunta na ako ngayon sa gym namin para makapag practice since student athlete naman ako dito sa university. 'Saka papalapit na rin ang Inter-Collegiate Sports League kaya mapapadalas na ang practice namin ngayon. Nakita ko din naman si Diego at Joaquin na mukhang papunta narin sa gym para makapag practice dahil kagaya ko din sila.

"Hey two idiots! Wait for me!" Sigaw ko na agad namang lumingon ang dalawa sa direksyon ko at huminto para antayin ako.

Pumagitna na ako sa dalawang lalaki at sabay na kaming lumakad papunta sa gym.

"Wait, where are the other two?" tanong ko referring to Dylan and Gael.

"Nasa gym na, nauna na sila sa'min ni Joaquin."

Ang liit ko talaga tignan basta kasama ko itong dalawang 'to, I'm five foot and seven inches tall. Si Joaquin naman ay nasa six foot and seven inches tall, at si Diego naman ay six foot din but only five inches tall pero mataas parin sa akin. I'm just on their shoulder level kaya anliit ko tignan, palibhasa mayroon silang mga half at alagang cheriffer.

"Ba't ang taas niyong dalawa? Ano bang sikreto niyo?" Agad namang nagtinginan ang dalawa.

"Secret, it's better for you not to find out." Sabi ni Joaquin na may ngisi na agad namang sinangayunan ni Diego at tumawa pa. I just eyed them suspiciously pero hindi ko nalang pinansin, malay ko ba? Baka "men's" thing lang 'yon.

Nakarating naman kaming tatlo agad sa gym at pumunta na sa locker area para makapag bihis ng aming sports attire. We share the same locker room with the basketball team kasi spacious naman itong locker room, may shower pa nga dito.

Ang dalawa kong kasama ay nagbihis na ng jersey nila. Pagbukas ko sa bag ko ay wala akong dala na kahit anong jersey, cycling shorts lang ang dala ko.

"Oh shi—, I forgot my jersey! Diegs, may extra jersey ka?"

"Wait let me check." Sinenyasan ko nalang siya ng okay sign ng biglang may umabot sa akin ng jersey.

"Here, use this." Abot ni Joaquin at agad namang umalis, hindi man lang ako nakapag salamat. Diego and I exchanged curious looks at binalewala nalang namin ang inisip namin kasi naman sometimes Joaquin doesn't like someone who touches or borrows his stuff.

Sinuot ko nalang ang jersey na pinahiram sa'kin ni Joaquin at lumabas na sa locker room.  Malaki ito sa'kin because obviously mas malaki so Joaquin sa'kin. I can smell the expensive perfume that Joaquin uses. Iba talaga pag mayaman, tayo nga eh pa-Bath and Body Works lang o 'di kaya'y Victoria's Secret.

Pagkadating ko sa gym ay nakita ko nang nag wa-warm up na ang basketball boys at volleyball boys. Ang apat na kaibigan ko ay basketball at ako naman ay volleyball. Since malaki naman itong gym namin dito na kami nagpa-practice ng sabay at sa isang gym naman ang girls. Pumunta naman ako sa area namin para makapag warm up na.

Lumingon ako sa isang side ng gym at nalaman na tapos na pala ang mga basketball sa kanilang ensayo, yung iba naman ay lumapit dito sa aming area at yung iba ay nasa locker room na. Nakita ko naman ang dalawa kong kaibigan na papunta dito, si Joaquin at Diego baka nasa locker na sila Gael at Dylan. Hindi pa kasi kami natatapos nitong practice match namin.

Agad na akong pumwesto sa likod kasi naka score kami, rotate agad. Nasa center ako ng backline which is para na akong libero ngayon, wala kasi kaming positioning kapag kami lang ang naglalaro pero ang original position ko is wing spiker.

The acting referee blowed the whistle na hudyat na pwede ng mag serve ang kasama ko. Pagkaserve ng kagrupo ko ay agad ko namang pinusisyon ang sarili ko, I bent lower and I spread my legs, readied my arms to receive the ball and inayos ko naman ang hem ng jersey ko at inilagay ito lahat sa harap so that I can move freely. Agad namang naghiyawan ang mga basketball players sa aking likod and I realized na kaya sila sumisigaw because of my ass.

Until The EndWhere stories live. Discover now